Ang stratehiyang iniisip ni Tang Rou ay isang stratehiyang kadalasang ginagamit ng bawat manlalarong naglalaro ng kahit na anong laro. Sa mga panahong may isang labanan na kung saan marami ang kakampi at kalaban. Palagiang pinoprotektahan ng lahat ang mga Cleric.
Dahil dito ay pinalibutan ng mga kalaban ni Tang Rou ang Cleric na kaniyang pinupuntirya.
Kasalukuyang sumusugod si Soft Mist. Kung gusto niyang marating ang kinaroroonan ng Cleric ay kinakailangan niyang talunin ang dalawang manlalaro na nasa harapan niya.
Isa sa mga manlalarong iyon ay isang Ghostblade, habang ang isa naman ay isang Knight. Hindi maipagkakaila na maganda ang koordinasyon nila sa isa't-isa.
Humakbang sa harap ang Knight at itinaas niya ang kaniyang Shield para harapin ang kalaban, habang nanatili sa likuran ang Ghostblade at nagtatag ng isang Ghost Boundary.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください