Inilagay ni Zhang Xuan ang Soulrouse Incense sa Soul Aperture sa pagitan ng kilay ni Lu Chong at sinindihan ito.
Mabagal na umangat ang usok mula sa Soulrouse Incense, at kasama nito ay narinig ang isang malayo at malabong kanta na parang himig ng mga diyos at demonyo na nakakahalina sa iba. Kung titigan mong mabuti ang usok, may maaaninag kang isang malabong anino na nakasuot ng maluwag na balabal na sumasayaw ng isang kakaibang sayaw na nagtataglay ng kakaibang karisma para sa kaluluwa.
"Bumalik ka, kaluluwa! Bakit mo pa kailangang maglakbay sa malalayong lugar kung ang pagmamay-ari mo ay narito? Inabandona mo ang paraiso para sa pagdurusa sa isang dayuhang lugar. Bumalik ka, kaluluwa! Walang ibang lugar kung saan ka pwedeng magpahinga! Mga higanteng may malalaking tindig ang naghahanap sayo para anihin ka. Sa mga kalupaan ay dadalhan ka ng sampung araw, bakal ang dumadaloy sa ilog, at ang bato ay alikabok lamang…"
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください