Lubusang nagulat ang lahat ng mga takas. Hindi nila magagawa na makapaglabas kahit isang
tanso lamang sa kanilang katawan ano pa kaya ang sampung taels ng pilak! At kailangan pa
nilang magbayad araw-araw! Kahit ibenta nila ang kanilang mga sarili, ay hindi pa rin sila
magkakaroon ng maraming salapi!
Nagawa pa lamang nilang lumipat sa payapa at malinis na lugar na iyon, inisip ng mga takas na
sa wakas ay makakapamuhay na sila ng mapayapa. Bakit hindi nila naisip na makakatagpo sila
ng ganitong bagay!
"Ngunit… sinabi na nila sa amin… walang anumang babayaran…" Isang bata na sadyang
napakabata pa ang nagsabi sa agam-agam na nasa isip ng lahat. Ang batang iyon na katatapos
lamang magsalita ay biglang hinablot ng isang babae na nasa likuran nito at inilagay ang
kamay sa bibig ng bata.
Ngunit ang musmos at inosenteng salitang iyon ay nakarating sa pandinig ng sanggano at ang
mata niya ay biglang nalipat sa batang iyon. Ang ina ng bata ay pinagpawisan ng malamig,
agad napaluhod at yumuko upang humingi ng awa sa sanggano.
"Dakilang Lord, ang bata ay walang alam kaya pakiusap huwag mo sana siyang parusahan."
"Kahit na walang alam ang bata, huwag mo sabihin sa akin na ikaw bilang kaniyang ina ay wala
ring nalalaman?" Tanong ng sanggano habang pinandidilatan ang babae na ngayon ay putlang
putla na. "Kayong dalawa ay nanaitili na rito ng halos dalawa o tatlong araw hindi ba? Kung
gayon, hindi ba dapat ay nagbabayad na kayo ng utang? At dahil nakikita ko na mag-isa ka lang
at may kasamang bata, hindi ko kayo sisingilin ng malaki. Dalawang araw para sa dalawang tao
at gagawin ko iyong apatnapung taels para sa inyong dalawa."
"Apa… Apatnapung taels…" Nataranta ang babae. Ang kaniyang asawa ay napaslang ng ang
mga Poison Men ay umatake at siya ay nakatakas kasama ang kanilang batang anak patungo
doon. Naubos na nila ang lahat ng kanilang ipon sa paglalakbay na iyon at ang apatnapung
taels ay masyadong malaki. Napaiyak siya at desperadong nagmakaawa: "Dakilang Lord, wala
na akong salapi… wala na talaga…"
Masamang minasdan ng sanggano ang babae na may magandang mukha sa ilalim ng
matinding takot. Ang babae ay maliit lamang at bagaman isa na itong ina, ay nanatili itong
kaakit-akit. Lumapit ang sanggano at hinawakan ang mukha ng babae. "Walang pera? Ayos
lang din. Kung wala ka talagang pera, ayos lang din na bayaran mo ng iyong katawan!"
Nanlaki ang mata ng babae at hindi makapaniwala. Ngunit bago pa man siya makasigaw, ay
hinatak na siya ng sanggano at puwersahang niyakap habang hinihimas ang buong katawan
niya. Kaawa-awang iyak ang pumunit sa bibig ng babae habang walang tigil na nagpupumiglas.
Ngunit paanong magiging tugma ang munti niyang lakas sa napakalakas at maskuladong braso
ng sanggano?
Butil ng mga luha ang umagos sa mata ng babae. Patuloy siyang nagmakaawa upang tumigil
ang sanggano, at nagmakaawa rin ito sa mga takas na nasa paligid na iligtas siya.
Ngunit ang mga takas ay nanatili lamang sa isang tabi, pinili na manatiling tahimik, isa-isang
iniwas ang mga tingin upang itago ang mga mata, hindi na magawang magpatuloy sa
panonood.
"Bitiwan mo ang aking ina! Masama kang lalaki! Bitiwan mo ang aking ina!" Nang makita ng
musmos na bata na sinasalbahe ang kaniyang ina,ay sinunggaban niya ang sanggano na
parang nababaliw at kinagat ang braso nito, dahil sa sakit ay agad binitawan nito ang
paghawak.
"Letse! Bata ka! Ang lakas ng loob mong kagatin ako! Kayo! Gusto kong bugbugin niyo ang
batang iyan hanggang sa mamatay dito at ang babae ay ibenta niyo sa bahay-aliwan! Lahat
kayong narito ay makinig at pakinggang ninyo akong mabuti! Kung hindi kayo magbabayad sa
mga utang ninyo ngayong araw, wala sinuman sa inyo ang mamumuhay ng payapa!" Galit na
sigaw ng sanggano.
Ilan sa mga kalalkihan na nasa likod ng pinuno ay biglang nagpunta sa kaawa-awang mag-ina!
Subalit, sa sandaling ang mga kalalakihan na iyon ay akmang susunggaban ang mag-ina, isang
anyo na tila kidlat ang mabilis na nagpakita sa kanilang harapan, isang guhit ng liwanag ang
dumaan! Ang mga kalalakihan na lumapit ay biglang tumilapon palayo dahil sa isang
napakalakas na puwersa sa sandaling iyon!