webnovel

Kayamanan, Parating na Kami! (3)

編集者: LiberReverieGroup

Ang mga bagay na ito, ay hindi ang pangunahing layunin ng paglalakbay ni Jun Wu Xie at na

kaniyang mga kasama.

Kumpara sa mga ginto, pilak at hindi mabilang na mga hiyas, ang larawang nakapinta sa pader

ang umagaw sa atensyon ng kanyang mga kasama.

Matapos makita ang iba pang larawang nakapinta sa pader, mas lalong naunawaan ni Jun Wu

Xie ang tungkol sa Dark Emperor. Ang Dark Emperor ay makikita sa bawat larawang nakapinta

sa pader,nakatakip ng maskara ang kanyang mukha, at walang sinuman ang maaaring

makakita ng tunay na mukha niya, ngunit karamihan sa mga larawang nakapinta, ay

inilalarawan ang kagitingan ng Dark Emperor.

Pinagmasdan ni Jun Wu Xie ang mga larawang nakapinta bago ito nahulog sa mukha ni Jun Wu

Yao.

Sa kakisigan at walang kupas na anyo, ay ang iisang ngiti na kaniyang nakasanayan.

Nakatitig si Jun Wu Xie at biglang inalis ang kaniyang tingin, ngunit walang kahit anong sinabi.

"Walang magandang kahihinatnan kung ipagpapatuloy natin ang paglalakad dahil itong

libingan ng Dark Emperor ay napakalaki kung iisipin? Ako ay napapaisip kung magpapatuloy

tayo sa paglalakbay nang walang unumang pakay katulad nito, Ilang taon kaya bago natin

makita ang tamang lugar? Si Qiao Chu ay huminahon at bumalik sa kaniyang sariling katinuan

mula sa nakalulula at nakakatuksong kayamanan sa paligid.

Ang libingan ng Dark Emperor ay napakalaki at ang dahilan ng pagpunta nila dito ay mahanap

ang mahiwagang sinaunang mga kagamitan na ibinaon dito kasama ng Dark Emperor upang

magamit at madagdagan ang kanilang kapangyarihan. Ngunit ang kanilang mga nakita lamang

ay ang mga mamahaling alahas, bundok ng ginto at pilak at mga bagay na maaari nilang

magamit kapag kinailangan.

Sa wakas ay narating na nila ang kanilang patutunguhan ngunit ang nagawa lamang nila ay

pumasok sa buong lugar na dahilan ng panlulumo ng mga kasama niya.

"Ang sinabi ni Dumb Quiao ay tama". Ang pagpapatuloy sa paghahanap ng hindi nakikita ay

pagaaksaya lamang ng oras. Sa napakaraming lagusan sa labas at loob ng libingan ng Dark

Emperor, ang lugar ay mas malaki kaysa sa inaasahan. Ang mga taong hindi kabisado ang

paligid nito , ay hindi mahahanap ang tamang daanan. " sinabi ni Hua Yao. Ang hawak nilang

mapa , ay wala nang kabuluhan nang dumating sila sa loob.

Ang kanilang patutunguhan na inilalarawan sa mapa ay ang lokasyon lamang ng libingan ng

Dark Emperor at walang marka ang anumang bagay tungkol loob ng libingan.

Maaaring natagpuan ng kanilang mga magulang ang libingan ng Dark Emperor ngunit hindi

pumasok sa lugar na ito, o maaaring wala silang sapat na panahon upang maitala ang

anumang bagay sa loob.

Nang matagpuan ni Jun Wu Xie at ng iba pa ang libingan ng Dark Emperor, isang katanungan

ang nasa isipan ng mga kasama.

Ang libingan ng Dark Emperor ay palaging napapaligiran ng mga harang at kung si Jun wu Xie

ay hindi sinasadyang matuklasan ang nakaharang, at nariyan si Jun Wu Yao upang sirain ito ,

kahit sila ay nakatayo sa harap ng libingan, wala silang palatandaan tungkol dito.

Ngunit ang katotohanan na ang kanilang mga magulang ay kayang matukoy ang lokasyon ng

libingan ng Dark Emperor sa oras na iyon ngunit nasa punto na nalilito pa rin sila.

Sa panahong iyon, paano nagawa ng kanilang mga magulang na mahanap ang libingan ng

Dark Emperor?

Hindi sila nagkaroon ng makatuwirang dahilan para dito.

"Iniisip ko, bakit hindi natin tanungin ang maliit na nilalang?" Sinabi ni Quiao Chu habang

naglalakad papunta sa harapan ni Ye Gu, tinitingnan ang "munting bata" na ang kalahati ng

mukha ay nakatakip ng maskara.

Nanliit ang mga mata ni Ye Gu at ang tunog ng nagngangalit na ngipin ni Ye Sha at Ye Mei na

nakahawak sa kaniya ay biglang nakaramdam n parang may gumagapang sa anit.

"Munting nilalang, maaari mo ba kaming samahan upang tingnan ang paligid?" mahinahong

tanong ni Quiao Chu , di alintana ang panganib na tinatahak, walang kaalam-alam na maaaring

mapahamak ang kaniyang buhay sa sandaling iyon.

Nagsindi ng kandila sina Ye Sha at Ye Mei at nag-alay ng panalangin para kay Qiao Chu. Sa

kabutihang palad si Jun Wu Yao ay naroon. Kung wala si Jun Wu Yao …

Nakikinita nila ang isang eksenang na kung saan ang dugo ni Qiao Chu ay dadanak ng tatlong

talampakan ang layo.

Nanliit ang mga mata ni Ye Gu at tumingin kay Quiao Chu, sapilitang ngumiti at sinabing: "

Sige"

[Ang iyong lola, kung papayagan ni Lord Jue , pipilipitin ko ang ulo ng tampalasang ito!!]

次の章へ