webnovel

Drunk Lotus vs. Poppy (2)

編集者: LiberReverieGroup

Minasdan ni Poppy ang kaniyang mga kilos, isang nakakabahalng pakiramdam ang unti0unting

gumapang sa kaniyang puso. May nais siyang sabihin ngunit dahil sa isang malamig na sulyap

mula kay Jun Wu Xie, ay agad niyang tinikom ang bibig. Wala siyang magawa kundi ang

tahimik na titigan si Jun Wu Xie na bitbit ang bote ng alak at naglakad patungo sa higaan at

hinatak palabas sa ilalim ng kumot si Little Lotus na nagtatago at hiyang-hiya na makita

sinuman.

"Boo ho…" Namula ang mukha ni Little Lotus dahil sa pag-iyak, halos maging lantang bulaklak

na.

"Mistress… Boo… Hoo... Lahat… ay… nalantad… Woo…" Nais ipagpatuloy ni Little Lotus ang

panaghoy sa kaniyang kaawa-awang halamang-buhay ngunit sa huli, ay itinaas ni Jun Wu Xie

ang baba nito at tinungga ang bote ng alak.

Ang mabangong amoy ng malamig na alak ay tuloy-tuloy na umagos sa lalamunan ni Little

Lotus. Ang munting matabang braso nito ay marahas na nagwasiwas at ang namumulang

mukha niya dahil sa pag-iyak ay namula sa ilalim ng impluwensya ng alak!

Ang mata ni Poppy na nakatitig kay Little Lotus ay nagtataka habang pinapanood si Little Lotus

na inubos ang laman ng bote ng alak. Habang ang munting niallang ay maligalig na nakaupo sa

kama, tahimik na tumayo mula sa kaniyang upuan, ang mahabang payat na mga binti ay

naglakad patungo sa pintuan…

"Tingin mo saan ka pupunta?" Bigla, isang boses na puno ng galit ang narinig sa likuran ni

Poppy.

Nanigas ang katawan ni Poppy at nang llumingon siya, ay nakita niya ang walang pang-itaas na

kasuotan na si Srunk Lotus, nakaupo sa higaan habang nakatitig sa kaniya sa naniningkit

nitong mata, ang isang binti ay nakataas ata nakatapak sa dulo ng higaan.

Dinala ni Jun Wu Xie ang walang laman na bote at tumayo sa isang tabi, kaswal na itinapon

ang bote ng alak at pinagkrus ang braso sa kaniyang dibdib, upang kalmado na obserbahan

ang namumuong bagyo, kung saan ang mukha ni Poppy ay nagiging pangit na ang kulay.

"Hindi kita nakita ng matagal." Saad ni Poppy na nakangiti habang nakatingin sa lasing na

mukha ni Drunk Lotus.

"Bagama't matagal na panahon na, ngunit sa huli ay nagkita pa rin tayo." Saad ni Drunk Lotus

habang pinagdapo ang kaniyang mga kamay, kaswal na pinatunog ang mga daliri, na gumawa

ng malinaw at malutong na ingay.

"Hur…" Mahinang tumawa si Poppy.

Biglang tumalon patayo si Drunk Lotus mula sa kama, ang balinkinitang binatang katawan

dahil sa kalasingan ay nagdulot sa tunay na maputing balat nito na bahagyang magkulay-rosas.

Ang balinkinitang itaas na katawan ng binata, gayunpaman ay walang pakiramdam ng

karupukan o kahinaan, at madali itong pumunta kay Poppy, na parang isang kidlat!

Ang nagbabagang pulang anyo ni Poppy ay nais na makatakas agad, ngunit mahigpit na

dinaklot ni Drunk Lotus!

Tahimik na naglakad sa gilid si Jun Wu Xie, at kaniyang kinuha ang Sacrificial Blood Rabbit na

nanigas sa kinatatayuan nito kasama si Lord Meh Meh na nagtatago pa rin sa isang sulok

upang lumabas. Nang humakbang na siya palabas ng pintuan, ay itinaas pa rin niya ang isang

paa upang isarado ang pintuan sa kaniyang likuran.

Maya-maya, sunud-sunod na magulong tunog ng paglalaban ang narinig ng walang tigil, isang

amoy ng bulaklak na nabahiran ng amoy ng alak ang nasamyo palabas sa pagitan ng makitid

na awang ng pintuan ng silid. Malayang nakaupo si Jun Wu Xie sa batong upuan na nasa

courtyard upang panoorin ang nakapinid na pintuan, habang si Lord Meh Meh at ang

Sacrificial Blood Rabbit ay nakadiin sa pintuan at nag-uusisa, sumisilip sa maliit na awang,

sinubukan na makita kung ano ang nangyayari sa loob ng silid.

Ang pusang itim ay kalmadong nakahiga sa balikat ni Jun Wu Xie, hindi nagpakita ng kahit

kaunting interes sa walang kwentang away sa pagitang ng bulaklak o hayop, naglagay ng

matayog na anyo.

"Meow."

[Ang likas na pagkatao ni Poppy ay hindi mapirmi, gusto mo ba talaga siyang manatili?]

Ibinaba ni Jun Wu Xie ang kaniyang mata. [Si Poppy ay tila mapanganib at ang kaniyang

pagkatao ay masama. Ngunit dahil mismo sa kakaibang katangian na iyon ay magiging malaki

ang gamit niya sa maraming pagkakataon. Hindi na kailangan magbanggit ng iba pa, ang amoy

lamang ng poppy flower ay malaki ang magiging epekto halimbawa sa isang malaking labanan.

Ang abilidad na gawing manhid at pahinain ang katawan at ugat ng mga tao sa pamamagitan

lamang ng kaniyang amoy. Ang isang uri ng ganoong lason ay tunay na malaki ang abilidad na

halos imposibleng malabanan.]

Higit pa roon, wala siyang nalaman na isang ring spirit na ibinalik sa Spirit World ng

nagmamay-ari sa kaniya.

次の章へ