webnovel

Kaibig-ibig na Kuneho (2)

編集者: LiberReverieGroup

Ang pinsala ng kuneho ay napanatag na at ang matinding pinagdudusahan na lamang ay ang

matinding pagkaubos ng dugo. Dinala ni Jun Wu Xie ang kuneho sa kaniyang silid at gumamit

ng panyo na nilubog sa maligamgam na tubig at marahang pinunasan ang dugo sa balahibo

nito.

Bagama't kinamumuhian niya ang masangsang na amoy ng dugo ngunit sa mga sandaling iyon

ay hindi siya nakaramdam ng kahit kaunting dismaya at sa halip ay tahimik at matiyaga niyang

inaksyunan ang di mabilang na sugat na bumabalot sa katawan ng kuneho.

Ang ganitong mga gawain ay maraming beses na niyang nagawa noon. Bago siya natali sa

organisasyon ay nanatili siya noon sa isang beterinaryo. Doon ay ginamit niya ang kaniyang

kamay upang buhaying muli ang munting mga hayop na nasa bingit na ng kamatayan.

Dahil sa pagkamuhi at hindi pagtanggap sa mga tao, si Jun Wu Xie ay nakahanap ng aliw sa

piling ng mga munting hayop na iyon. Kahit na kailangan niyang harapin ang masangsang na

amoy ng dugo araw-araw ay hindi siya nagpakita miski kaunting pagkawalang pasensya sa

mga iyon.

"Balak mo bang itago iyan?" nang masiguro ng pusang itim na walang tao sa paligid ay

nagtanong ito gamit ang salita ng tao. Tumalon ito sa lamesa at inikutan ang kuneho na

nanghihinang huminga habang nakahiga sa lamesa. Ang kuneho ay kaibig-ibig ang hitsura

kung ikukumpara sa mga normal na kuneho, ngunit dahil sa dami ng malalim na sugat nito sa

buong katawan ay mas nakakatakot itong tingnan sa ngayon.

"Hindi ko alam." iling ni Jun Wu Xie. Dinala niya pabalik ang kuneho ngunit hindi pa niya

napag-iisipan mabuti ang tungkol sa bagay na iyon. Ang tanging naisip niya ay kung iiwanan

niya ito kanina sa lugar na iyon upang mamatay ay hindi siya magiging komportable.

"Ang kuneho na ito ay nanghihina at nanlalambot. Kung mananatili ito sa iyo ay magiging

delikado rin para sa kaniya. Kung hindi mo ito itatago siguro ay ibigay mo na lamang siya kay

Qu Ling Yue. Ang mga babae ay mahilig sa kanila." mabilis na suhestiyon ng itim na pusa.

Nungit ng kaniyang mapagtanto… Tila wala sa sariling isinantabi niya ang kaniyang Mistress sa

salitang "mga babae".

Mabilis na nagsabi si Jun Wu Xie ng "mmm" ng hindi matapat at tinatapos na ang paglilinis sa

dugo na nasa katawan ng kuneho. Sa Spirit Beast Arena kanina ay limitado ang kaniyang oras

at gamit at ang tanging nagawa lamang niya ay aksyunan ito sa pinakamabilis na paraan.

Ngayon na nakabalik na siya, ang pinakakritikal na parte ng panggagamot ay uumpisahan na.

Matapos linisin ang mga sugat ay pinainom niyang muli ang kuneho ng elixir upang

madgdagang muli ang dugo nito. Bagama't ang mga sugat nito ay malala, mabuti na laman at

ang lamang-loob nito ay hindi napinsala dahil kung hindi ay mas mahirap iyon.

Medyo natagalan si Jun Wu Xie bago niya natapos ang buong proseso ng paggagamot. Dahan-

dahan niyang nialagay ang kuneho sa higaan bago siya naglinis upang tanggalin ang

masangsang na amoy ng dugo sa kaniyang katawan.

Halos nakarami na rin ng kain si Lord Meh Meh ng dahon ng lotus at ngayon ay naramdaman

na niyang siya ay kuntento na at ngayon ay banayad siyang palakad-lakad sa loob ng silid.

Nang makita niya ang kuneho na karga ni Jun Wu Xie at nilagay sa higaan ay bigla itong nainis

dahil pakiramdam niya ay pinanghimasukan ang kaniyang sariling lugar.

'Tap tap tap,'

Inilang hakbang niya ang espasyo sa pagitan niya at ng gilid ng higaan at tumalon sa higaan.

Ang pusang itim na nasa lamesa ay tamad na tiningnan ang kilos ni Lord Meh Meh na "isip-

bata" habang iwinawasiwas ang mahaba niyang buntot sa hangin.

"Meh!" tumayo si Lord Meh Meh sa higaan at pinandilatan ang kuneho, galit na umunga

upang umalis ang kuneho palayo.

[Ang lugar na ito ay teritoryo ni Lord Meh Meh! Makulit kang kuneho, layas!]

Ang walang malay na kuneho ay hindi narinig si Lord Meh Meh. Hindi gumagalaw na nakahiga

iyon at payapang natutulog.

Mas lalong nagalit si Lord Meh Meh. Itinaas nito ang paa at balak na itulak ang kuneho paalis

sa teritoryo nito.

Ang pusang itim na sinusubaybayan ang kilos ni Lord Meh Meh ay nakita ang sitwasyon at

mabilis na tumalon sa higaan.

Naisalba lamang ang kuneho dahil naglaan ng matinding pagsisikap si Jun Wu Xie dito at kung

itong gunggong na tupa ay mapatay ito, siguradong sasabog si Jun Wu Xie!

Subalit ang pusang itim ay nahuli ng isang hakbang. Ang munting paa ni Lord Meh Meh ay

nasagi na ang katawan ng kuneho at hindi kinailangan ni Lord Meh Meh na gumamit ng

malkas na puwersa dahil ang gusto lamang niya ay paalisin ang kuneho sa higaan…

次の章へ