webnovel

Ang Ika-walong Sampal 13

編集者: LiberReverieGroup

Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Ning Rui. Bawat isa sa kanila ay nakatutok ang mga mata kay Ning Rui.

Gusto nitong pumunta ang grupo ng mga kabataang ito sa Heaven's End Cliff kahit alam niya na ang pagpunta roon ay

siguradong kamatayan!

Nababaliw na ba si Ning Rui?

"Tuluyan nang nawala ang iyong konsensiya! Hindi pa sapat na pinatay mo ang Headmaster, at ngayon naman ay gusto

mong ipadala ang mga disipulo at guro ng Zephyr Academy sa siguradong kapahamakan! Intensiyon mo bang patayin

ang bawat isang tao ng academy bago ka makontento?" galit na saad ni Fan Jin.

Hindi man lang naapektuhan si Ning Rui at sumagot "Hindi mo na kailangan pang palabasing ito ay hindi magandang

ideya. May kasabihan na ang pinakamagaling ang siyang magtatagumpay. Pinapunta ko sila sa Heaven's End Cliff para

maensayo sila. Kung makabalik silang buhay galing sa lugar na iyon, siguradong magiging matagumpay sila sa hinaharap.

Para naman doon sa hindi kakayanin ang pagsubok…" inilibot ni Ning Rui ang kaniyang mga mata sa mga kabataang

puno ng takot.

Kung hindi nangyari ang mga naganap kanina, hindi sana malalaman na siya ang nasa likod ng pagpatay kay Fan Qi,

makakaramdam pa sana siya ng kaunting konsensiya. Pero ngayon, hindi na siya makapaghintay na makita ang mga

taong naririto ngayon na mapatay sa lalong madaling panahon!

"Kung hindi nila kakayanin ang pagsubok doon, ito ay dahil sa wala silang angking kakayahan na malagpasan ang

pagsubok na naiatang sa kanila." Dagdag pa ni Ning Rui habang nakakakilabot na tumawa ng malakas.

Sa puntong iyon, si Fan Jin at Fan Zhuo ay napuno ng galit, kahit ang mga disipulo ng Zephyr Academy ay hindi matiis na

panoorin ang mga kaganapan ngayon.

Totoong hindi sila tinuturing ni Ning Rui bilang tao. Sa pagpapapunta sa kanila nito sa Heaven's End Cliff, hindi lamang

ang mga disipulo kung hindi pati na rin ang mga guro ang siguradong mamamatay sa lugar na iyon.

"Ning Rui! Huwag mo nang palakihin mo ang gulong ito! Pinatay mo ang Headmaster, pinagtangkaan mo ding patayin

ang anak ng Headmaster at ngayon gusto mong ipadala ang buong Zephyr Academy sa kanilang kamatayan! Isa kang

sakim at walang puso! Ang taong katulad mo ay hindi nababagay na manatili pa sa Zephyr Academy at wala nang

makikinig at maniniwala pa sa iyo. Pinapapunta mo kami sa Heaven's End Cliff? Tumigil ka na sa kahibanagan mo!" iilang

mga guro ang hindi na nakatiis at tumalon sila sa bakod upang sugurin si Ning Rui. Inaamin nilang nakaroon sila ng

pagkukulang lalo na sa pagpayag sa pagsubok na ito at ang marinig na wala man lang ng pagsisi ang mababakas kay Ning

Rui, gusto nilang sugurin si Ning Rui!

Pinagtawanan lamang sila ng malakas ni Ning Rui.

"Ang desisyon kung tutuloy o hindi ay hindi nakasalalay sa inyo." Bumaling siya kay Gu Ying na nakatayo sa kaniyang tabi

at nagsabing "Young Master Gu, amg mga taong ito ay nagiging matigas ang mga ulo at pinipigilang matuloy ang ating

ultimong plano. Maaari ko bang hilingin na tulungan mo akong maturuan sila ng leksiyon."

Itinaas ni Gu Ying ang kaniyang kilay at kumislap ang kaniyang mga mata habang sinuyod ng tingin ang mga guro na

nagsalita kanina.

Isang nakakakilabot na takot ang dumaloy sa balat ng mga guro. Ang batang anyo ni Gu Ying ay puno pa rin ng misteryo.

Bago lamang na natanggap ito sa Zephyr Academy at gumawa na ng malaking gulo. Iilang disipulo na ng Zephyr Academy

ang namatay sa kamay ng taong ito at ayon mga sinabi ni Fan Jin kanina, kahit ang Headmaster Fan Qi ay isa sa mga

naging biktima nito!

Hindi mahina si Fan Qi pero napatay siya nito sa isang galaw lamang! Kung si Gu Ying nga ang may kagagawan nito,

malamang may taglay itong nakakatakot at napakalakas na kapangyarihan!

"Ipagpaumanhin ninyo pero kayong lahat ay dapat na tumuloy sa Heaven's End Cliff." Sabi ni Guying na may maaliwas na

ngiti sa mga labi. At bago pa sila makagalaw, ang katawan ni Gu Ying ay naging kulay lilac na liwanag na mabilis tinamaan

ang grupo ng tao!

Nanikip ang puso ng mga guro, bago pa sila makagalaw para maipagtanggol ang kanilang sarili, biglang nakaramdam sila

ng sobrang sakit sa kanilang mga leeg at amg mainit nilang dugo ay sumirit mula sa kanilang mga nagilitang leeg!

Tatlo sa mga guro ang agad na napabagsak ni Gu Ying sa isang iglap lamang. Dahil sa bilis ng mga galaw ni Gu Ying, kahit

isa sa mga disipulo ay hindi nakita kung paano ito gumalaw!

Ang dugo ay sumirit na tila ulan at kumalat sa sahig, pati na rin sa uniporme ng mga disipulo na nasa malapit.

"EEEEEEEEEEEK!" isang nakakabinging sigaw ang nagmula sa grupo ng mga tao.

次の章へ