webnovel

Ang Ika-walong Sampal 3

編集者: LiberReverieGroup

Biglang natumba si Nangong Xu sa sahig at ang dugo ay umaagos sa kaniyang bibig habang ang kaniyang mata ay

nakatitig ky Gu Ying na maaliwalas na nakangiti sa kaniya.

"Ang mga taong masyadong maraming alam hindi nabubuhay nang matagal. Sang-ayon ka ba? Senior Nangong?"

tanong ni Gu Ying na nakangiti kay Nanong Xu habang pinapanood ang kaniyang huling paghinga. Itinaas ni Gu Ying ang

kaniyan ulo at tinignan ang kaniyang braso na punong-puno ng dugo, ang gilid ng kaniyang mga labi kumunot pataas.

Umikot siya at hinirap si Ning Rui.

"Hindi ko naisip na kahit sino sa Zephyr Academy ay makakakilala ng daan patungo sa Heaven's End Cliff. Mukhang hindi

na natin dapat pang patagalin ang bagay na ito."

Itinango ni Ning Rui ang kaniyang ulo bilang pagsang-ayon. Ang katotohanang alam ni Nangong Xu ang Heaven's End Cliff

ay ikinagulat ni Ning Rui at para maiwasan na malaman ng lahat, walang ibang pagpipilian si Ning Rui kung hindi ang

sumagot, "I-aanunsiyo ko kaagad na dapat nang magsimula sa paglalakbay ang mga disipulo ng Zephyr Academy."

Tumango si Gu Ying, nasiyahan sa sagot ni Ning Rui.

"Dapat ay parating na sila. Dapat makarating agad sila bago pa tayo umalis."

Isa lamang sa mga paraan ang pag-gamit sa mga disipulo ng Zephyr Academy upang suyurin ang kailaliman ng Heaven's

End Cliff. Alam ni Gu Ying na hindi sapat ang iilang grupo ng mga batang disipulo upang masuyod ang Heaven's End Cliff

at may idinagdag na siyangmga tao upang sumama sa kaniya ngunit ang paghanap ng daan palabas ng Heaven's End Cliff

ang siyang gagawin ng mga disipulo ng Zephyr Academy.

Ang intensiyon ni Gu Ying sa ekspidisyong ito ay ang pag-gamit sa mga disipulo ng Zephyr Academy upang malaman ang

daan sa ilalim ng Heaven's End Cliff!

Tumango si Ning Rui at tinawag si Gongcheng Lei na nakatayo lamang sa labas para magbantay upang iparating ang

mensahe. Ang mga mata ni Nangong Xu ay nanatiling nakabukas dahil sa pagkabigla nang siya ay namatay, hindi

inaasahang mamamatay siya sa kamay ng isang binatilyo.

Ang oras ng kanilang pag-alis ay na italaga na at nagsimulang magreklamo ang mga disipulo sa mababang boses. Sa

mahigpit na pamumuno ni Ning Rui, wala kahit isa sa mga disipulo ang naghayag ng kanilang pagtutol. Sa loob lamang ng

apat na oras, lahat ng disipulo ng Zephyr Academy ay nakapaghanda na ng kanilang mga gamit at nagtipon sa harap ng

pintuan ng Zephyr Academy. Habang nakatingin sila sa mga nakalinyang karwahe, nakikinita ng mga disipulo ang

kanilang mahabang paglalakbay tungo sa lugar kung saan idadaos ang kanilang ekspidisyon.

Npagsabihan na ni Ning Rui ang kaniyang mga taohan na maghintay sa bukana ng Zephyr Academy at hinihintay na

lamang niya ang mga guro na matapos ang pagtatawag sa mga disipulo.

Ngunit, nang sinasabi na ng mga guro ang bilang kay Ning Rui, mga tunog ng mga sapatos ng kabayo ang maririnig mula

sa di kalayuan.

Nagsisimula na ang takip-silim at tinakpan ng mga disipulo ang kanilang mga mata habang nakatingin sa kulay kahel na

parang rosas na umiilaw sa buong paligid. Isang karwahe ang nakita nilang dumating sa bukana ng Zephyr Academy.

Oridnaryong karwahe lamang ang dumating ngunit ang matangkad na taong nagmaneho nito ay hindi nila kilala. Ang

nakatipong disipulo sa bukana ng Zephyr Academy ay hindi napigilang nakiusyoso upang tingnan ang bagong dating,

puno ng pagtataka sa pagdating nito sa ganoong panahon.

Ang karwahe na dumating ang mukhang hindi pag-aari ng Zephyr Academy. Higit na mas malaki ito kung ikukumpara sa

mga karwahe ng Zephyr Academy at wala din itong nakakabit na tatak ng Academy sa mga pinto nito.

Nilingon ni Ning Rui ang kaniyang ulo upang tingnan ito. Papaalis na dapat sila ng Academy patungo sa Heaven's End Cliff

at ayaw niya pa ng kahit anong hindi inaasahang pangyayari.

Habang ang mata ng lahat ay nakatutok sa karwahe, isang matagkad at matipunong pigura ang dahan-dahang lumabas

sa karwahe. Nang makita na ng lahat ito, maririnig ang malalakas na pagsinghap mula sa mga disipulo dahil sa gulat!

Ang bumaba mula sa karwahe ay walang iba kung hindi ay si Fan Zhuo na may katagalan na ding nawawala!

次の章へ