webnovel

Nakakasindak na Pagbabago sa Zephyr (4)

編集者: LiberReverieGroup

Ang kalusugan ni Fan Zhuo ay palaging mahina at si Fan Jin bilang isang "ampon" ay hindi kailanman tinuring na iba ni

Fan Qi itinuring niya ito katulad ng "tunay" na anak.

Kung ang lahat ay nagpatuloy lamang sa tunay na katayuan nito ay hindi kakayanin ng katawan ni Fan Zhuo ang mabigat

na gawain sapagkat hindi kaya ng kaniyang kalusugan kaya naman alam na ng lahat na ang nararapat sa posisyon bilang

Headmaster ay wala na ngang iba kundi si Fan Jin.

Ngunit nagkaroon nang problema dahil sa kalusugan ni Fan Zhuo.

Sa ilalim nang panggagamot ni Jun Wu Xie ang kalusugan ni Fan Zhuo ay napabuti. Si fan Zhuo na hindi kailanman

nakalabas ng Zephyr Academy ay nagawang makalabas ng dalawang beses. Kung pagbabasehan ang mga galaw ni Fan

Zhuo, nakita ng mga tao sa Zephyr Academy na ang dating mahina at sakitin na binata ay unti-unti na ang paggaling.

Ang paggaling ng "tunay na anak" na si Fan Zhuo ay biglaang magdudulot ng walang katiyakan sa katayuan ng "ampon

na anak" na si Fan Jin.

Kaya naman ang lahat ay ipinalagay na ang pakikipagtalo ni Fan Jin kay Fan Qi ay patungkol sa pagpapasa ng posisyon

nito ngunit hindi inaasahan na nauwi sa pagpatay niya kay Fan Qi.

Ang haka-hakang iyon at ang pagkakakita ng mga guwardiya kay Fan Jin sa duguan na espada sa kaniyang kamay sa

saradong opisina na iyon ay naging malinaw.

Ang krimen sa pagpatay kay Fan Qi ay nabuo sa utak ni Fan Jin na dapat ay naharap na agad, isang honourary dean ang

hindi inaasahang nagbalik. Ang honourary deans sa malalaking academy ay hindi pangkaraniwan at ang mga nasa

posisyon na iyon ay madalas na may mataas na kasanayan at mayroong kakaibang powerful exponents. Hindi nila

kinakailangan gumawa ng kahit na ano at hindi rin inaasahan na magpakita sa academy. Kinakailangan lamang nila

magpadala ng tulong sa tuwing magiging mahirap sa academy at ang mga honourary dean ay matatamasa ang mga

spesyal na pribilehiyo at benepisyo sa mga academy.

May tatlong honourary dean ang Zephyr Academy at kahit na hawak nila ang titulo ng pagiging dean, ang kanilang

awtoridad ay mas mababa pa rin kumpara sa Headmaster. Ngunit sa loob ng academy ang kanilang mga salita ay hindi

maaring iwaksi lamang.

Ang honourary dean na iyon ay matagal ng kaibigan ni Fan Qi at kilala niya ang Fan brothers simula pa noong ang mga

ito ay bata pa. pagkatapos makarating sa kaniya ang malagim na balita tungkol sa pagpaslang ni Fan Jin kay Fan Qi ay

kaagad itong nagtungo upang pigilan ang mga nagnanais na manakit o patayin si Fan Jin.

Ngunit ang pagpaslang sa Headmaster ay naging malaking usapan sa loob ng Zephy Academy sapagkat ang insidenteng

iyon ay napakalubha. Kahit na pigilan pa ng honorary dean ang pag-uusig ay magagawa lamang nito iantala ang di

maiiwasan. Kung sakaling hindi mapatunayan na walang kinalaman si Fan Jin sa krimen, maari siyang mahatulan ng

kamatayan anumang oras.

Sa mga oras na iyon si Fan Jin ay nakakulong sa sarili niyang kuwarto at iyon ay binabantayang maigi ng mga guwardiya

araw-araw.

Nang ang Headmaster ay pumanaw, ayon sa naging tradisyon, lahat dapat ng responsibilidad sa Zephyr Academy ay

iatang agad sa kaniyang dalawang anak. Ngunit dahil si Fan Jin ang pangunahing pinaghihinalaan na salarin sa

pagpaslang kay Fan Qi ay agad itong ikinulong at sa kabilang banda, si Fan Zhuo naman ay wala sa academy at dahil

ditto, ang pamumuno sa buong academy ay napunta sa kamay ng susunod na pinakamatas ang Vice Headmaster na si

Ning Rui!

"Kaya naman… nais mo ba na mamalagi muna sa dormitoryo?" inulit ng binata ang kanyang sinabi habang nakatingin sa

mukha ni Jun Xie na blanko ang ekspresyon.hindi na niya alam kung paano itutuloy ang kanilang usapan. Alam ng lahat

na si Jun Xie at Fan Jin ay mayroong matatag na pinagsamahan at noong nahusgahan si Jun Xie ng lahat, si Fan Jin

lamang ang nag-iisang tumayo. Nanindigan at naniwala kay Jun Xie.

At si Fan Jin ang nagpakilala kay Jun Xie at Fan Zhuo sa isa't isa. Ngayon na nasangkot sa malaking gulo si Fan Jin, iniisip

ng binata kung ano ang tumatakbo sa isip ni Jun Xie tungkol sa bagay na iyon.

"Hindi na kailangan." sagot ni Jun Wu Xie at ito'y naglakad na papasok sa kakahuyan.

Pagtapos mapatalsik si Fan Qi, alam ni Jun Wu Xie na hindi hahayaan ni Ning Rui na maabswelto si Fan Jin. Hindi niya

inaasahan na magagawa ni Ning Rui na bumuo ng plano na maidiin si Fan Jin sa pagpaslang kay Fan Qi!

Ang pagkamit ng dalawang bagay na ginawa gamit lamang ang isang plano, sadyang napaka-husay!

次の章へ