webnovel

Pagpunta Sa Dulong Talampas ng Langit (1)

編集者: LiberReverieGroup

Mabilis na nagdaan ang tatlong araw. Pinaghandaan ni Jun Wu Xie at nang iba pa ang lahat ng kailangan at nagsimula na sila sa kanilang paglalakbay patungo sa Heaven's End Cliff.

Sa pagkadagdag ni Mu Qian Fan, lahat sila'y pito sa paglalakbay na ito. Bumili ng malaking karwahe si Jun Wu Xie. Dapat ay kukuha rin siya ng kutsero, pero hindi sumangayon si Mu Qian Fan dito. Hindi nakararami ang nakakaalam kung nasaan ang Heaven's End Cliff, at mas konting nakakaalam, mas maganda. Ginawa niya ito para hindi malaman ng kung sino ang lugar at para makaiwas narin sa hindi kinakailangang gulo.

Ang trabaho ng kutsero ay ginampanan ni Mu Qian Fan lamang, at magalang niyang tinanggihan ang mga alok nila Qiao Chu na magsalitan sa pagiging kutsero.

Sa utak ni Mu Qian Fan, nagbago na ang kanyang buhay sa pagkakakilala nila ni Jun Wu Xie at gagawin niya ng bukal sa loob ang lahat ng kailangan para sakanya.

Ang biyahe papunta sa Heaven's End Cliff mula sa bayan ng Chan Lin ay magtatagal ng dalawang lingoong walang tigil na paglalakbay sa umaga at pagpapahinga sa gabi. Nagbibiruan at nagtatawanan ang lahat sa kanilang paglalakbay, at lahat sila'y masaya.

Maliban kay Jun Wu Xie, kay Fan Zhou at ang iba pang Spirit Rings ay hinulma muli. Nang sinubukan ni Fan Zhou na ibahin ang hubog ng spirit ring ni Jun Wu Xie, nadiskubre niyang ang Black Silver ay hindi natunaw o nagaya ang hubog ng spirit ring ni Jun Wu Xie at hindi maintindihan ni Fan Zhou ang kadahilanan nito. Ito ang rason kung bakit ang spirit ring ni Jun Wu Xie ang tanging naiwan sa kanyang orihinal na hulma.

Sa pagkamakatarungan, hindi masisisi si Fan Zhou dahil ang spirit ring na pinagpalitang ng anyo ng Snow Lotus ay hindi nakikita, at kahit si Jun Wu Xie ay hindi ito nakikita. Hindi niya rin alam kung ano talaga ang itsura nito, kung kaya't walang magawa si Fan Zhou sa pagpapalit huhulma muli ng spirit ring.

Bawat araw, nagdaan ang panahon. Sa buong lakbay nila, nageksperimento si Jun Wu Xie sa iba't ibang mga materyales para pahabain ang panahon para manatili ang Spirit Reinforcement, pero hindi masyadong nakakapanglakas loob ang mga resulta.

Nang sabihin ito ni Jun Wu Xie kay Fan Zhou, nagulat ito't hindi makapaniwala. Nang sinubukan nya ang mga Spirit Reinforcement Runes na binigay ni Jun Wu Xie sakanya sa spirit rings nila Qiao Chu, Rong Ruo at sarili nya, lahat yun ay pumalpak.

Nagtaka si Jun Wu Xie. Sinubukan na niya gumamit ng tubig para isulat ang runes at ginamit ito kay Rolly, at lumabas ang epekto nito. Pero nung ginamit ni Fan Zhou ang mga runes na ito nung hinulma nila ang mga singsing nila, walang lumabas na epekto.

"Nakadiskubre si Little Xie ng isang kamangha manghang bagay pero hindi ito magamit. Sayang talaga" Habang nakaupo si Qiao Chu sa loob ng gumagalaw na karwahe, napahawak ito sa kanyang dibdib sa panghihinayang na kanyang nararamdaman. Nang makita niya ang marangal at kahanga-hangang anyo ni Rolly, na mukhang mabangis at nababalutan ng apoy mula sa Spirit Reinforcement, halos mabaliw siya sa tuwa. Ngunit, hindi ito nagtagal. Halos ginusto na niyang umiyak nang hindi ito gumana sa spirit ring nila.

"Wag kayong mag-alala. Pag natuklasan na ni Little Xie, kung paano humulma ng spirit rings, magagawa niya rin ito sa mga spirit rings ninyo." Kinomporta ni Fan Zhou si Qiao Chu sa pamamagitan ng pagtawa bago niya tinignan si Jun Wu Xie na nasa gilid ng karwahe, may hawak na cinnabar at tinta.

"Ang alam ko, ang spirit reinforcement and ang kanyag runes, ay dapat ganap na maintindihan ng isang tao bago ito magamit. Maaring nakagawa ako ng kopya ng characters of the runes na binigay mo sakin, pero hindi ko maintindihan ang klase ng kapangyarihan na nagpapagana dito. Ang intensyon mong matutunan paano humulma ng spirit ring ay tama, dahil isang malaking kawalan ito kung hindi mo itutuloy ang pagintindi dito." Matapos nyang makita gamit ang sarili niyang mga mata kung anong klaseng kapangyarihan at mga posibilidad ang kayang gawin ng spirit reinforcement, sabi siyang ituro kay Jun Wu Xie ang kanyang kaalaman bilang isang ring forger. Naniniwala siyang pagkatapos matutunan ni Jun Wu Xie ang lahat ng nalalaman niya, makakagawa at makakahulma ito ng spirit rings na makakapagpamangha sa lahat.

Tumungo si Jun Wu Xie. Sinabi ni Fan Zhou kung ano talaga ang nasa isip niya.

Natutunan na niya ang mga pangunahing kaalaman ukol sa paghulma ng spirit rings mula kay Fan Zhou, pero wala siyang Soul of Flames para mapagexperimentuhan ito. Ang Soul of Flames ng isang Ring Forger ay nasa loob ng Ring Forger mismo. Maliban sa pagmana nito sa dugo, hindi ito magagamit kahit ibigay ang Soul of Flames sa ibang tao.

次の章へ