Tumigil si Jun Wu Yao, nanliit ang mga mata, at tinignan ang mga tumatawang dalaga. Matapos walang makitang peligro mula sa kanila, agad siyang umalis.
"Eeeek! Tinignan niya ba ako?! Ahh! Ang gwapo niya….." Sinabi ng isang babae sa likod ng kawayan.
"Anong ikaw?! Sa akin!"
"Tumabi kayo! Wag niyong harangan ang likod niya!"
"Awww… aalis na ba siya? Sundan natin siya!"
Sinundan nila si Jun Wu Yao ng nagliliwanag ang mga mata, takot na maglakad ng mabagal, dahil hindi na nila mahahabol ang gwapong anyo nito.
Hangarin ni Jun Wu Yao na gamitin ang kanyang kapangyarihanpara mabilis na makaalis paglabas sa asera, ngunit ngayo'y sinusundan siya ng mga disipulo ng akademya. Nanatili parin ang kanyang ngiti, na parang hindi niya alam na sumusunod sila, habang naglalakad papalabas sa akademya. Sa daan, mas lumakas ang ingay ng mga bulong at tili.
Matapos lang siyang makalabas nawala ang mga ingay.
Pagkatapos iwan ni Jun Wu Yao ang grupo sa likod, kumislap siya at agad na nawala, kaya't hindi na siya nakita ng mga sumusunod sa kanya, at nainis sila.
Lumitaw ulit si Jun Wu Yao hindi masyadong malayo mula sa Akademya, at lumitaw si Ye Mei sa tabi niya.
"May nakapansin ba sa akin?" Tinanong ni Jun Wu Yao habang nanliliit ang mga mata.
Sa ibang araw, pinatay na niya lahat ng insektong mga iyon. Ngunit ayaw niyang gumawa ng hirap para kay Jun Wu Xie.
Nalito si Ye Mei, at nagatubili bago tanungin: "Paanong napansin?"
Sinulyapan ni Jun Wu Yao si Ye Mei at napalunok ito: "Patungkol ba sa mga disipulo kanina?"
Tumango si Jun Wu Yao.
"Hindi…. Hindi yata nila alam ang totoong pagkatao ng Ginoo."
"Ipabantay mo sila kay Ye Sha. Kung may makaalam, patayin niyo agad." Inutos ni Jun Wu Yao.
"Masusunod….." Sumagot si Ye Mei, nagluksa sa tawa ng mga kabataang dalaga, at nagsindi ng insenso.
Sa katotohanan, nagsimula ito nang unang pumasok si Jun Wu Yao sa Akademya. Kumalat ang balitang mayroong napakagwapong pansariling lingkod na naninirahan sa aserang kawayan at naakit nito ang atensyon ng mga dalagang disipulo ng Akademya.
Walang pagkukulang ang Akademya sa mga gwapong disipulo, ngunit wala pa silang nakikitang ganito ka-gwapo. Gayunman, ang mga dalagang disipulo, na nagdadalaga, ay nakaabang lagi sa asera, sa mga pagkakataong wala si Fan Jin doon. At nasisilip nila ang makisig na anyo mula sa labas kapag binubuksan ni Fan Jin ang mga pinto para dumaan.
Basta't makita lang si Jun Wu Yao, kahit isang beses lang, mananatili sila sa labas ng mga pintonng iyon, para lang makita ang sulyap ng anyo niya, kapag bumubuka ang mga pinto.
Ngunit, ang mga pangarap at panaginip ng mga dalagang iyon, ay walang halaga kay Jun Wu Yao.
Hindi na inisip ni Ye Mei, kung alam lang nila, na ang pagsilip nila, ay pwedeng maging kapalit ng kanilang buhay.
[Ginoo! Ang mga dalagang iyon ay nahulog lang para sa'yo! Wala silang kasalanan na kapalit ang kanilang buhay!]