webnovel

Magkakasunod na Sampal – Ang Unang Yugto (4)

編集者: LiberReverieGroup

Si Li Zi Mu ay marahas na hinablot ng dalawa at mahigpit na ipinukol sa puno. Pahiramdam niya parang nabali ang

kaniyang likod sa lakas ng pagkakatulak sa kaniya sa magaspang na puno at siya ay nahilo dahil dito.

"ARRRGGHH! Ano ang ginagawa ninyo?! Pakawalan niyo ako! Dapat alam niyong isa akong disipulo ng Spirit Healer

faculty! Paano niyo ako nagawang tratuhin nang ganito?! Pagbalik natin sa academy, tuturuan ko kayo ng leksiyon!"

malaking mata na sinabi ni Li Zi Mu. Hindi si makapaniwala sa ginawa ni Hua Yao at Qiao Chu.

Si Fan Jin ay nakatulos sa kaniyang kitatatayuan at hindi makapaniwala sa biglang pag-atake kay Li Zi Mu. Bumaling siya

kay Jun Xie, ang mga mata ay puno ng takot at hindi mapalagay.

"Kung hindi mo kayang manood, pwede kang umalis na muna." Saglit na tiningnan ni Jun Xie si Fan Jin bago nagsimulang

maglakad palapit kay Li Zi Mu.

Sa tingin ni Fan Jin tumigil sa pagtibok ang puso niya. May kung ano sa puso siya ang nagsabing walang halong biro ang

mga katagang binitawan ni Jun Xie bago pa pumasok sa loob ng Battke Spirit Forest!

At ngayon, isinasakatuparan na nito ang propesiya ng mga katagang iyon!

"Little Xie!" hinablot niya ang mga braso ni Jun Xie at may gimbals a mga mata nito na tiningnan si Jun Xie.

Ngunit, habang tinitingnan niya ang malamig at walang emosyon na mga mata ni Jun Xie, dahan dahang lumuluwag ang

mahigpit niyang hawak sa braso nito.

Sa kabilang banda, walang tigil na humihiyaw si Li Zi Mu, palakad-lakad si Fei Yan sa harap nito. Itinaas ni Fei Yan ang

kamay at sinampal si Li Zi Mu ng ilang beses.

"Para saan yang mga sigaw mo? Mamatay ka rin lang naman, huwag mo ng aksayahin ang lakas mo."

Hilo na si Li Zi Mu sa mga sampal na natanggap, nag-iwan ng pulang marka ang kamay nito sa kaniyang mukha. Nanginig

siya at tiningnan si Fei Yan para magtanong. "Ano… ano ang … balak niyong gawin…"

Nag kibitz balikat si Fei Yan at humakbang palikod para mabigyan ng espasyo si Jun Xie sa harap ni Li Zi Mu.

Sa oras na iyon, ang mga mata ni Li Zi Mu ay bumaling sa kay Jun Xie, ang kaniyang mga tuhod ay bumubuway. Ang pares

ng mga mata na nakatuon sa kaniya ay hindi itinago ang totoong pakay nito. Kahit ang isang hangal ay alam na intension

ni Jun Xie na patayin siya.

"Jun… Jun Xie… ano… Ano ang kailangan mo…" malagkit na pinagpapawisan si Li Zi Mu, nahihirapan siyang huminga sa

ilalim ng mga malamig na mata nito.

0

"Ninakaw ko ang posisyon mo, hindi ba?" tanong ni Jun Xie, nakataas ang kaniyang mga kilay.

Mariing umiiling si Li Zi Mu. "Hindi… hindi… Naipaliwanang na ni Master ang lahat sa akin… Hindi ko sinasadya iyon at

nagkamali ako… wala kang kasalan…"

"Ngunit iyon ang sinasabi mo sa lahat." Sinabi ni Jun Xie at ikiniling angkaniyang ulo habang nakatitig sa mukha ni Li Zi

Mu na walang ng kulay.

Natataranta si Li Zi Mu. Ikinalat niya nga ang malisyosong balitang iyon para makakuha siya ng atensiyon sa lahat. Kung

alam niya lang na mapupunta siya sa sitwasyong ito, hindi na sana siya nagsalita ng kahit isang salita laban sa kaniya!

"Patawad, humihingi ako ng patawad sa iyo… pakiusap, pakawalan mo ako. Pinapangako ko na hindi na ako magkakalat

ng wlanag kwentang kwento! Lilinisin ko ang iyong pangalan pagkabalik natin. Nagsinangaling ako at wala kang

kasalanan! Ipinapangako ko! Sasabihin ko ang lahat sa kanila! Humihingi ako ng patawad! Patawarin mo ako!" Si Li Zi Mu

ay nagmamakaawa, basa ang kaniyang mukha sa luha habang ang sipon nito tumutulo. Ipinagdarasal niya na ipagtanggol

siya ni Fan Jin na katayo lamang sa isang tabi, hindi gumagalaw, tahimik at walang balak na makialam.

At ang mga disipulo galing sa branch division ay hindi maipagkakamaling kampi sa kay Jun Xie dahil kung hindi, hindi siya

hahablutin nito sa isang utos lamang ni Jun Xie.

"Nagmamakaawa ako sa iyo, pakawalan mo ako…"

Tiningnan lamang ni Jun Xie si Li Zi Mu habang nagmamakaawa ito sa kaniya ngunit hindi niya makuhang magbigay ng

kahit na anong simpatiya dito.

"Kung pakakawalan mo ako… gagawin ko lahat ng iuutos mo simula ngayon. Isa akong disipulo ng Spirit Healer faculty at

marunong ako ng Spirit Healing. Magsisilbi ako sa iyo…" binaggit ni Li Zi Mu Ang Spirit Healer faculty, umaasang

maisasalba nito ang buhay niya.

次の章へ