Si Ke Cang Ju lang ang nakakaalam sa kung gaano kadelikado ang usok na ito. Ito'y tumatagos sa balat pag may lumapit lamang dito.
Walang takas ang dalawang biktimang ito!
Dahan-dahang pinuno ng Lone Smoke ang bawat sulok ng silid. Mas mainam pa na ipalagay na patay na ang dalawang ito.
Magsaya kayo sa inyong paghihingalo! Hayaan niyong mapuno kayo ng takot sa pagdalaw ng kamatayan sa inyo!"
Mas lalo pang lumala ang mukha ni Ke Cang Ju nang lumaki pa ang kanyang ngiti. Hinahangad niya ang pagmamawaawa at tutulyang mapaslang ang mga bata.
Tumaas ang balahibo ni Qiao Chu, at hinatak niya ang siko ni Jun Wu Xei, nang narinig niya ang mga salitang "Lone Smoke"
"Tumakbo ka na at nakamamatay ang Lone Smoke!! Kahit ang maliit na daplis ay nakamamatay na!" pilit na hinahatak ni Qiao Chu si Jun Wu Xie, namumutla siya sa takot.
Hindi niya inakala na may pag-aari si Ke Cang Ju ng nakamamatay na Lone Smoke.
Kahit na pinipilit ni Qiao Chu ang paghatak, napansin niya na ang kanyang katawan ay hindi gumagalaw. Umikot siya at kanyang nakita ang malamig na pagtingin ni Jun Xie kay Ke Cang Ju, nakangiti ng sobra sobra.
"Jun Xie? Halika na!" Litong lito si Qiao Chu, inisip niya na buhatin na lamang si Jun Xie upang maligtas siya mula sa lason.
"Ito pala ang tinatawag nilang Lone Smoke?" Tumaas ang isang kilay ni Jun Xie, siya'y natawa at walang makikita na takot sa kanyang mga mata. Kalmado niyang tinignan ang pagbalot ng berdeng usok sa kanyang paligid na para bang ito'y wala lamang.
Hindi makagalaw si Qiao Chu nang kanyang tinignan si Jun Xie. Kanyang iniisip na siguro'y nabaliw na si Jun Xie. Hindi ba't ang unang buntong ng isang tao sa nakakalason na usok ay tumakbo? Ngunit si Jun Xie ay hindi kumikilos. Sa katunayan ay kanyang nginingitian pa ito na parang pampaaliw?
Dahan-dahang nawala ang ngiti sa bibig ni Ke Cang Ju, "Kayong mga dukha, kaunti lamang ang namamatay sa Lone Smoke. Sa paggamit ko nito ay tama lang na magpasalamat kayo sa akin!"
Kung hindi lang ipinakita ng bata ang kanyang magandang ngiti, hindi sana gagamit ng mas mabisang lason tulad ng Lone Smoke si Ke Cang Ju. Makita lamang niya ang kanilang mga naghihirap na mga mukha sa kanilang dahan-dahang paghihirap ay sulit ang kanyang paggamit.
Sa pagkalat ng lason, mas nasiyahan at nasabik si Ke Cang Ju. Nabalot na rin sa wakas ng lason si Jun Wu Xie, hindi tatagal at magiging buto na lamang ang mga batang ito!
"Magpasalamat?" Tumawa si Jun Wu Xie na parang siya'y nakarinig ng isang biro. Tinignan niya lamang ang usok na bumalot sa kanya nang hindi kumukurap.
"Kung ang mga laruang ito ay ang inyong pinapahalagahan na, may maipapakita ako sa iyo na mas may mahalaga." Makikita ang tuwa ni Jun Wu Xie sa kanyang mga salita. Siya'y umabante at pinitik niya ang kanyang mga manggas, nahawi at nawala ang usok na nakapalibot sa kanya.
"Paano..?" Laking gulat ni Ke Cang Ju nang hindi nagbago si Jun Wu Xie. Nabalot siya ng Lone Smoke! Ngunit, bakit parang hindi siya tinablan?
Hindi ito maari!
Agad na agad dapat ang epekto ng Lone Smoke, ngunit paano siya nakakatayo na parang walang nangyari?!
"Nais mong manakit gamit ng laruang pambata? Wag mo akong simulan." sabi ni Jun Wu Xie.