webnovel

Soul Calming Jade (4)

編集者: LiberReverieGroup

Nanatili ang ngiti ni Jun Wu Yao sa kanyang mukha, pero ang kislap sa kanyang mata ay naglaho tulad ng alon na di na bumalik sa dalampasigan.

Di alintana ni Jun Wu Xie ang pagbabago at nag patuloy pa rin ito: "Sa papagkakataong ito, hindi na dapat sila mapahamak. Ang tanging kailangan ko lang ay makita si Mo Qian Yuan."

Mabuti kung ganun, kailangan ko lang sya dalhin sa Crown Prince!

Pagpaslang ang tanging makikita sa mata ni Jun Wu Yao. Dadalhin nya ito at sa parehong pagkakataon, papatayin nya ang hambog at bagong hirang na Emperor.

Nang hindi sya nakarinig ng sagot mula kay Jun Wu Yao, ay iniangat ni Jun Wu Xie ang kanyang ulo at nakita nya ang pagbabago sa mga mata ni Jun Wu Yao. Kagat labing syang nag iisip nang malalim.

Nawala sa isip nya na sa pagitan nilang dalawa ni Jun Wu ay hindi lang sila ordinaryong estranghero kundi sila ay itinadhana para sa isat-isa sa pagkamit ng kanilang mithiin.

Muli nyang naalala ang lahat ng kanyang natutunan sa muli nyang pagkabuhay. Nanigas si Jun Wu Xie at ang mga salita ay bigla nalang lumabas sa kanyang sa bibig.

"Kuya?"

" . . . . " Tila may kidlat na biglang tumama sa puso ni Jun Wu Yao.

Tapos na ang taglamig, ang mga nyebe ay tunaw na at ang tagsibol ay ang muling pagkabuhay.

Nawala sa kanyang puso ang pagpaslang nito at napalitan ng bagong pag-asa.

Tahimik lang si Jun Wu Yao at nilapitan nya si Jun Wu Xie. Hinagkan nya ito nang mahigpit at lumipad sila sa himpapawid.

Nasa taas na sila na para bang abot kamay na nila ang mga bituin.

"Wu Xie." Sambit nito.

"Hmm?"

"Bigkasin mo ulit." Paos man ito ay may halong pag-asang maririnig nyang muli ang katagang iyon.

Walang reaksyong tiningnan ito ni Jun Wu Xie at sya'y napaisip. Sandali lang nito ay napagtanto nya ang tinutukoy ni Jun Wu Yao.

"Kuya."

Muli ay hinigpitan nya ang kanyang pagkakayakap dito.

"Saan ka man magpunta, ano man ang gusto mong gawin, nandito lang lagi ang kuya mo. Naiintindihan mo?"

Iniyuko ni Jun Wu Yao ang kanyang ulo para tingnan si Jun Wu Xie sa kanyang piling. Maliit lang ito at magaan pero sa oras na iyon ay mabigat ito ngunit hinawakan nya ito gamit ang kanyang buong lakas upang huwag lang itong mawala sa kanyang piling.

Napansin ni Jun Wu Xie ang pagbabago nito ng emosyon, nagtaka man sya ay napagtanto nya pa rin na itong taong ito ay sobrang lakas at matapang ngunit ang puso nito ay maaring tulad din sa kanya.

Pareho ang kanilang reaksyon noong una nyang naramdaman ang pag aalaga at pag aalala sa kanya ni Jun Xian at Jun Qing.

Itinuring niya itong taga pagligtas ng kanyang buhay.

Hindi nabigyan ng sapat na pagmamahal si Jun Wu Xie na sya namang maihahalitulad sa pag-uugali ni Jun Wu Yao.

"Opo." Mahinahong sambit nito.

May lolo, tiyuhin at maaring magiging ama sa hinaharap si Jun Wu Xie. Hindi naman masama na humiling pa sya ng kuya.

Kuntentong nakangiti si Jun Wu Yao. Hindi nya alam kung ano man ang nag udyok dito para umamin. Ngunit ano man ang rason nito'y di nya alintana sapagkat sya ay masaya.

Pinagtagpo na sila ng tadhana.

Sa kabilang dako, sa Lin Palace ay nakaupo ang itim na pusa at nakatingala ito sa naglalahong ulap.

(Oh ang aking mahal ay tinangay ulit!)

(Mahal! Iiwanan mo ba ako!?)

(Isama mo ako!)

Nakatayo si Little Lotus sa gilid. Dahan-dahan at tahimik itong umalis papunta sa kwarto at patungo sa kabinet kung saan nakatago ang Jade Nectar.

次の章へ