webnovel

Walang Kapantay na Gamot (Pangatlong Bahagi)

編集者: LiberReverieGroup

Kahit anong lakas ng palasyo ng Lin, wala silang laban sa Qing Yun Clan. Magkabilaan ang talim ng patalim ang gamot ni Jun Wu Xie!

"Maliban sa panginoon mo, may iba pa bang nakakaalam na kaya mong gumawa ng gamot na ito?" Tanong ni Jun Xian ng may pangamba.

Tinignan lamang ni Jun Wu Xie ang tatlong lalaki sa loob ng silid ng hindi nagsasalita.

"Long Qi!" Sigaw ni Jun Qing.

Dali daling lumuhod si Long Qi gamit ang isang tuhod lamang "Wala pong nakita o narinig ang iyong tauhan ngayon." Tumulo ang pawis nito sa gilid ng kanyang mukha. Hindi napagtatanto ng maestra na sa mga iniwan niyang gamot sa labas, kung anong klaseng gulo ang kaya nitong simulan.

"Mula pagkabata mo'y nasa amin ka na. Pinagkakatiwalaan kita. Tandaan mo, dalhin mo ang kung ano mang narinig mo sa silid na to sa libingan mo. Kahit isang salita'y hindi maaaring makalabas kung hindi ito'y makasisira sa kapalaran ng buong pamilya ng Jun!"

"Opo, naiintindihan ko."

Hindi maintindihan ni Jun Wu Xie kung bakit ganoon nalang ang pagiingat ng tatlong lalaki sa kanyang mga gamot.

Ang mga gamot na ito… sobrang laking bagay ba talaga nito?

Marami pa siyang plano sa gamot na ito na mas maganda at halos na sumalungat na sa langit, ngunit hindi kaya dahil kulang ang damong panggamot. Bakit sobrang seryoso ng lolo at tito sa maliliit at walang binatbat na gamot na ito?

"Wu Xie, your master must be mighty and mysterious, to be unworried about medical prowess like his being known. As for you, Grandfather knows, you have the interests of Lin Palace at heart, but your knowledge to produce these pills must be kept secret. The recipe, must not be made known to other than you and your master, do you understand?" Jun Xian spoke in rare seriousness to Jun Wu Xie.

"Wu Xie, ang panginoon mo'y maaaring malakas at mahiwaga para hindi magalala sa kaalaman niya tungkol sa gamot na kumalat basta basta. Para naman sayo, alam ng lolo ang interes mo sa palasyo ng Lin sa puso, pero ang kakayahan at kaalaman mo para makagawa ng gamot na ito ay dapat isikreto. Ang kasangkapan, ikaw lamang at ang iyong panginoon ang maari lamang maka-alam. Nagkakaintinidihan ba tayo?" Kapanipanibago ang kaseryosohan ni Jun XIan kay Jun Wu Xie.

"Naiintindihan ko po" Kahit hindi maintinidhan ang pagaalala ng mag ama, madaling sumangayon si Jun Wu Xie.

"Para sa mga gamot na iyon, dadalhin ba natin ito sa kubo?" Tanong ni Jun Qing.

"Oo, ipadala mo. Nagtitiwala akong walang kahit na sinong sundalo ng sandatahang Rui Lin ang tataksil sa Jun Family, kahit sila'y pa'y nasa harap ng kamatayan." Buo ang tiwala ni Jun Xian. "Ikaw na ang bahala dito, Long Qi. Wag kang magsasabi ng kahit na ano sa sandatahan tungkol sa gamot. Sabihin mo wag nang magtanong or pagusapan ang kung ano mang epekto ng gamot sakanila. Walang makakalabas na salita sa labas ng sandatahan at kalimutan na may ininom silang gamot."

"Huwag kang pagalala, iyong kamahalan. Ang utos niyo ay aking gagawin." Nangako si Long Qi, ang kanyang puso'y masigasig. Nang siya'y tumayo sa pagkayuko, ang kanyang mata'y nakatitig laman kay Jun Wu Xie.

Si Jun Wu Xie ang magiging pinuno na ipaglalaban ng sandatahang Rui Lin hanggang sa kamatayan, at hindi ito magbabago!

Dahil sa importansya ng malalaking kahon, inutos ni Jun Xian sa karamihan ng guwardiya ng palasyo ng Lin upang samahan si Long Qi. Ang mga kalesang puno ng mga kahon ay umalis na sa Imperial City sa gabi, dala dala ang mga gamot na makapagpapayanig sa buong kalupaan.

At yung gabing iyon ang nakapagpabago sa sandatahan ng Rui Lin.

Sa paglalim ng gabi, nagkakwentuhan ang pamilya ng Jun sa naliliwanagang silid gamit ang mga kandila. Kadalasan, si Jun Wu Xie at nakikinig lamang.

"Wu Xie, kung inaantok ka na, magpahinga ka na." Suyo ni Jun Xian, sa pagiisip na nakakapagod ang pag gawa ng libo libong gamot para kay Wu Xie, at as dilim na nasa ilalim ng mata nito.

"Opo lolo" Sagot ni Jun Wu Xie at siya'y tumayo. Alam niyang may mga bagay na hindi mapagusapan ng mag-ama sa harapan niya kaya't binuhat na niya ang itim na pusa at umalis sa silid.

次の章へ