webnovel

Pangalawang Sampal (Unang Bahagi)

編集者: LiberReverieGroup

Marami nang bote ng mga tabletang Jade Dew ang naregalo sa hari nang dumating si Bai Yun Xian sa Kaharian ng Qi. Lahat ng gamot na iniinom ng Emperador ay dumadaan muna sa mga Imperyal na mga Manggagamot para makasigurado, bago niya ito matanggap. Hindi man magagaya ng mga manggagamot ang mga gamot na dumadaan sa kanila ngunit kaya nilang tignan ang gawa ng mga ito.

Inasahan ni Mo Xuan Fei na sabihin ni Bai Yun Xian na peke ang mga tableta, para hindi makalaban si Jun Wu Xie. Hindi rin naman pipiliin ng mga tao ang mga salita ni Jun Wu Xie kaysa sa mga salita ng disipulo ng Qing Yun.

Walang nakapag-isip, na nakahanda na si Jun Wu Xie sa kanyang pagsusukab, bago pa ang pagpapatunay sa mga tableta.

Sa paghawak ng Emperador sa mga ito, dumaan na ang mga tabletang rinegalo ni Bai Yun Xian sa mga Imperyal na manggagamot, na natignan na ang nilalaman ng mga ito. Madali lang sa kanila kung totoo nga ba ang pagkakagawa sa mga tabletang ito.

Base sa mukha ni Bai Yun Xian, nahulaan ni Mo Xuan Fei na totoo nga ang mga tabletang dala ni Jun Wu Xie!

Kailan pa naging ganito katalino si Jun Wu Xie?

Nanood lang sa tabi si Mo Qian Yuan, nagbuntong-hininga, ngumiti, at tahimik na nanood.

Hindi halata sa itsura nitong babaeng ito ang kanyang mga kakayanan!

Pwede namang sabihin ni Jun Wu Xie na ipadala ni Bai Yun Xian ang mga tabletang ito sa mga Imperyal na manggagamot para sila ang tumingin, ngunit nagpipgil siya, at hinintay na sabihin ni Bai Yun Xian na peke ang kanyang mga gawa, bago sabihin na may napadala na siya sa Emperador.

Nang nalaman na napatunayan na ng mga Imperyal na manggagamot ang gawa ng mga tableta at hindi napatunayan ni Bai Yun Xian, makikita lang na hindi niya kaya, o may masama siyang balak at sinadyang magsabi ng mali!

Hindi na mababawi ang mga nasabi na, ang ginawang ito ni Jun Wu Xie ay para nang sampal sa mukha ni Bai Yun Xian.

Isang umaalingawngaw na sampal!

Sa isang galaw, nawalan ng malay si Bai Yun Xian sa sampal ni Jun Wu Xie, at hindi makakibo si Mo Xuan Fei.

Hindi siya makapaniwala kay Jun Wu Xie, na hindi na niya kilala.

Hindi ba ito ang babaeng sumusunod at naghahanap ng atensyon? O ang bastos at walang utak?

Bakit hindi makilala ang Jun Wu Xie na naririto?

Akala niya, ang malamig at pagkawalang pake ni Jun Wu Xie ay dahil sa pag-iwan niya sa kanya at pagpili kay Bai Yun Xian, at para maagaw ang kanyang atensyon, ginaya niya ang pagkalamig ni Bai Yun Xian, na iniisip na yun ang nagustuhan niya. Nalinawan na siya, umasa lang pala siya.

Ang dating Jun Wu Xie, ay walang alam sa medisina, lalo na sa paggawa ng tabletang Jade Dew. Ang Jun Wu Xie na kilala niya ay walang kakayanang gawin ang ginawa ng nasa harap niya ngayon!

Ngayon, tila sinampal rin si Mo Xuan Fei, nalaglag siya mula sa kanyang patungang gawa sa yabang, at pinaparamdam sa kanya ang sakit ng pagkatalo.

Hindi!

Hindi niya hahayaang magtagumpay si Jun Wu Xie!

"Jun Wu Xie, paano mo nagawa iyon? Paano mo nagawang ipadala ito sa aking ama, ang Emperador? Baka malason siya! Yun Xian, halika, bisitahin natin ang aking ama, hindi natin pwedeng hayaang may mangyari sa kanya." Hindi naging mapagbigay-loob si Mo Xuan Fei nang hatakin ang kamay ni Bai Yun Xian at nagmadaling lumabas sa pintuan

次の章へ