webnovel

Ang Panganay na Prinsipe (Pang-apat na Bahagi)

編集者: LiberReverieGroup

Nakatingin si Mo Qian Yuan kay Jun Wu Xie, at ang mukha nyang may bahid ng gulat ay unti unting napalitan ng ngiti. Bigla nalang siya natawa ng malakas.

"Hahaha! Kung gusto mo, bakit hindi? Gusto rin naman nila ako patayin, bakit hindi nalang ako pumatay sakanila? Sabihin mo sakin, kaya mo ba talagang iligtas ang buhay ko?" Tanong nya habang nakatitig ng maigi kay Jun Wu Xie. Iba na ang pagtingin nya sa dalaga. HIndi na siya isang dalagang hindi alam ang kanyang mga pinagsasabi.

"Syempre." Sagot ni Jun Wu Xie habang ang kanyang mga mata'y nagpapakita ng determinasyon.

"Pero hindi yun sapat." Napasimangot si Mo Qian Yuan. "Walang kahit anong pangkatin ang susuporta sakin sa laban ko sa trono. Kahit magaling na ako sa aking sakit, hindi ko kayang makuha ang trono sakanya basta basta. Kung desidido talaga siyang patayin ako, makakagawa siya ng paraan."

"Merong susuporta sayo." Sagot ni Jun Wu Xie.

"Ang palasyo ng Lin ang magba-back up sayo. Ang hukbo ni Rui Lin ang susuporta sayo sa laban mo para sa trono. Pero may kailangan kang tandaan-- Kaya kong iligtas ang buhay mo, pero kaya ko rin kunin ito. Kaya kang suportahan ng palasyo ng LIn para makuha mo ang trono pero kaya rin namin tanggalin ka dito."

Nang magbago ang hari, kailangan nya ng isang taong may dugong bughaw para sumunod sa pagkakorona. Kailangan lang magtago ng palasyo ng Lin.

"Hukbo ng Rui Lin… pero…" Makikita ang pagdadalawang isip ni Mo Qian Yuan sa kanyang mukha. Ang sitwasyon ni Jun Quing ang mas walang katiyakan kay sakanya. Sinong mamumuno pag nawala sya? Nagawa ba nilang mapanatili ang kanilang lakas at kapangyarihan?

"Hindi mo kailangang alalahanin ang mga bagay na iyon. Isipin mo lang ang sarili mong problema. Kung gusto mong mabuhay at matagumpayan ang paghihiganti mo, tanggapin mo lang yung kundisyon namin. Kung gusto mo naman mamatay, hindi kita pipilitin. Yung gamot na pinainom ko sayo, panandalian lang ang kaya nyang igamot sayo. Masyado nang maraming lason na naipon sa dugo mo kaya't kakailanganin pa natin ng mas mahaba habang panahon para lubusang malinis ito." Paliwanag ni Jun Wu Xie.

Huminga ng malalim si Mo Qing Yuan. Alam niyang wala siyang ibang mapagpipilian dahil sarili nyang pamilya, kinorner na rin sya. Kailangan nya pa ipaghiganti ang madugong labanan na ito. SIno bang may pakielam sa kondisyong ibibigay sakanya? Kahit kailangan niyang sumugod sa apoy ay gagawin nya.

"Sumasangayon na ako." Ginawa nya na ang desisyong makapagbabago ng buhay niya.

"Mahusay. Sa susunod na kailangan mo kong makita, tatanggalin ko ng paunti unti ang lahat ng lason na nasa dugo mo." Tinitigan nya ng maigi ang lalaki at bago siya tumalikod, mahina niyang sinabi "Mo Qian Yuan, hindi mo pagsisisihan ang desisyong ginawa mo ngayon."

Binuhat ni Jun Xu Wei ang maliit na itim na pusa habang siya'y naglakad pabalik sa bengkete.

Habang nakatingin si Mo Qian Yuan sa likod ni Jun Wu Xie, pinipigilan nyang lumabas lahat ng emosyon na kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng paghawak ng kanyang kamao ng mahigpit. Ilang taon na niyang tiniis ang pakiramdam na ang kanyang kaluluwa at pagiisip ay nawawasak, hanggang sa naisipan nya na rin sumuko. Hindi nya inakala na posibleng dumating ang araw na ito. Ngayon, naramdaman nya na nahanap nya uli ang isang maliit na parte ng sarili nya, at determinado na syang makuha lahat ng nawala sa kanya.

Jun Wu XIe, kahit ano pa ang gusto mo, basta't matulungan mo ko matagumpayan ang gusto kong gawin, sayo na ang buhay ko!

Sa mga braso ni Jun Wu XIe, si Little Black ay natutuwang ginagalaw ang kanyang buntot.

"Meow."

[Ang tagal na nung huli akong nag-ibang anyo… Hindi parin ako sanay… Paano mo pala nalaman na ang Emperador ang nasa likod ng pagkamatay ng Emperatris? Paano mo rin nalaman na ang Emperador rin ang sumira sa pamilya ng emperatis?]

Little Black was certain that it did not hear such news from Jun Xian and Jun Qing, so how did she acquire such privileged information?

Sigurado si Little Black na hindi ito nanggaling kay Jun Xian at Jun Qing, kaya paano kaya niya nalaman ang mga impormasyon na ito?

"Hindi ko alam."

[Ano?]

"Sinabi ko lang." Kalmado niyang sinabi.

Nakabalik siya sa salu-salo at nakaupo lang ng tahimik.

Nakaupo ang emperador sa kanyang trono, tila masaya siya habang nakikipagusap at natawa ng malakas sa mga ministro. Nagiinit ang salu-salo habang ang muiska at sayawan ay nagpatuloy buong gabi.

Kahit para kay Mo Qian Yuan ang selebrasyon na iyon, umalis siya sa kalagitnaan nito. Kinuha ni Mo Xuan Fei ang oportunidad para maipakita ang kanyang pagiging perpektong papel bilang kandidata para sa susunod na magiging hari. Siya at si Bai Yun Xian ang nakipagusap at nakihalubilo sa maraming ministro at ang pinaka-pinaguusapang pares. Hindi nila pinansin si Jun Qu Xie, sa kabila naman, ang pasulyap-sulyap sa kanya ay si Jun Qing na nagaalala kung siya ba ay nasaktan.

Gayunpaman, ang mga katotohanang nagpatunay na ang teorya ni Jun Qing ay mali.

Hanngang matapos ang salu-salo, hindi na tinignan ni Jun Wu Xie ang pares.

次の章へ