webnovel

Tinapos ni Duan Ling Tian ang Kanyang Saradong Cultivation!

編集者: LiberReverieGroup

Ilang buwan na ang lumipas sa loob lamang ng isang kurap ng mata.

Mapayapa lamang ang ere sa estado ng Wandering Saint Palace.

Subalit, ang mga taong kasama ni Shi Nan Feng na nagbabantay sa labas ng mansyon ni Duan Ling Tian ay alam na tila ba kapayapaan lamang ito na dulot matapos ang bagyo.

Hindi lamang si Duan Ling Tian ang bihag ng mansyong ito. Si Ke'er, Duan Si Ling, Gan Ru Yan, at Peng Lai ay naging bihag rin. Alam nila ang sitwasyon sa labas kaya alam rin nilang mababa ang tsansa na makaligtas sila.

Noong una, talagang kinakabahan sila. Subalit, habang lumilipas ang panahon, sumuko na lang sila sa kanilang tadhana. Alam nilang wala na silang magagawa.

"Kapag nakalabas na si Palace Master Yuwen Hao Chen sa kanyang saradong cultivation, katapusan na nating lahat… Ke'er, may mga pinanghihinayangan ka ba?" Tanong ni Gan Ru Yan.

"Pinanghihinayangan? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Ke'er habang nalilito.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ