Maraming uri ng Dao Talisman sa Doa Martial Saint Land na maraming gamit.
Ang Mirror Image Talisman ay isa na roon.
Dagdag pa roon, ang Mirror Image Talisman ay nahahati sa kategorya – ang Ordinary Mirror Image Talisman at ang Minor Major Mirror Image Talisman.
Ang isang Ordinary Mirror Image Talisman ay magagamit para itala ang mga eksenang nagaganap sa loob ng isang tiyak na panahon sa anyo ng mga gumagalaw na larawan. Kapag dinurog ito sa hinaharap, kaya nitong ipakita ang mga nakatalang pangyayari rito.
Ang epekto nito ay kagaya ng isang video camera o camcorder mula sa nakaraang buhay ni Duan Ling Tian sa earth. Ang pinamalaking kinaibahan lang ay wala itong boses.
Noong nasa Moon Illumination Sect pa si Duan Ling Tian, may isang tao na nagmula sa sangay ng Mountainshade Black Market ang gumawa ng isang plano laban sa kanya gamit ang Mirro Image Talisman.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください