"Ako… Meron akong… Kanina, meron akong...."
Mayroong bahagyang pamumula sa magandang mukha ni Qiu Mu Qing dahil sa pagkahina neto habang binibitawan ang kamay ni Duan Ling Tian.
Maging ang kanyang leeg ay namula, at mas nagmukhang maselan.
Kanina, nang marining niya ang sinambit ni Duan Ling Tian na hindi nito nais na lumisan ng Clarity City, lalo siyang naging balisa sa hindi malamang dahilan.
Habang tinatanong ni Duan Ling Tian ang tagapagsilbi para dagdagan ang mga kagamitan sa pagkain, hindi man lamang nito magawang pigilin ang kanyang pag-aalala.
Hindi lamang sa pinahinto niya kaagad ang tagapagsilbi, bagkus ay sumagot na rin ng bayarin ni Duan Ling Tian at dali-daling hinila si Duan Ling Tian papalayo.
Sa sandaling iyon, siya ay nag-aalala na tuluyan niyang nakalimutan ang dapat na maging distansya ng magkaibang kasarian o ang pagkamahinhin ng isang babae.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください