Paanong hindi manlulumo ang kanyang mukha?
Kahit ano ang mangyari, si Li An ay ang First Silver Flame Elder ng Black Turtle Sanctum. Isang tao lang ang nakahihigit sa kanya habang 10,000 tao ang kanyang nahihigitan sa buong Black Turtle Sanctum! Kahit sa mga Four Symbols Sanctum ng Fire Worship Sect, maituturing siya na mayroong matas na posisyon. Subalit, ang taong tulad niya ay patuloy na ginagalit ng isang disipulo na kapapasok lamang sa Black Turtle Sanctum sa Fire Worship Sect. Isa pa, malinaw na pambabastos ito sa mga mata ni Li An. Malaking kahihiyan ito para sa kanya.
Sa unang pagkakataon, ang bagong disipulo na iyon ay pinatay ang anak ng kanyang matalik na kaibigan sa kanyang harapan.
Sa pangalawang pagkakataon, ang bagong disipulo na iyon ay pinatay ang kanyang magiging direktang disipulo sana.
Ngayon, sa pangatlong pagkakataon, ang bagong disipulo na iyon ay pinatay ang kanyang grand disciple!
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください