Kahit na hindi sila nag-aalala na lalagpas si Gu Li sa linya, naglakas-loob pa rin siya na turuan si Zhao Ji ng isang leksyon.
"Oo. Sinasadya kitang kalabanin. Ano ngayon? 'Wag mong sabihin na tuturuan mo ako ng isang leksyon?" Nangungutyang ngumiti si Gu Li habang nakatingin siya nang walang bahala kay Zhao Ji.
"IKAW!" Nang marinig ni Zhao Ji ang kaniyang mga salita, ang kaniyang mukha ay naging berde bago ito mamutla. Gayunpaman, hindi siya maka-isip ng magandang sagot, paano pa kaya ang turuan si Gu Li ng isang leksyon.
Kung gagalaw siya, ang taong mamalasin ay siya, hindi si Gu Li.
Sa maliit na lakas lamang na mayroon siya, hindi man lang niya matalo-talo si Duan Ling Tian na nasa tuktok ng Refined Saint Stage, paano pa kaya si Gu Li na nasa tuktok na ng Eminent Saint Stage.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください