Sa huling tatlong araw, mas marami pang mga tao ang nagpunta sa Nimble Valley.
Ang ilan sa mga taong ito ay nagmula sa fifth-rated forces sa distrito ng Rising Sky Mansion, samantalang ang iba naman ay mula sa sixth o seventh-rated forces.
Para naman sa mga nagmula sa eighth at ninth-rated forces, kahit na magpunta pa sila, wala namang nakakakilala sa kanila.
Karamihan sa mga taong nagmula sa mga puwersang ito ay hindi man lamang naglakas-loob na magpunta.
Bukod sa kabigatan nito, ang labanan sa pagitan ng dalawang mga Saint Stage powerhouses ay may taglay ding nakasisindak na puwersa. Kung hindi sapat ang cultivation base ng isang tao at kung hindi sila mag-iiwan ng malayong distansya sa pagitan nila at ng mga naglalaban, tiyak na maapektuhan din sila. Kung magaan lamang ang puwersa, masusugatan lamang ang isang tao, subalit kung matindi ito, maaari pa itong ikamatay ng isang tao.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください