"Paano ito nangyari? Itinago ko na sa loob ng aking Spatial Ring ang Devilseal Tablet, ngunit bakit wala ito sa loob ng aking sing-sing?" Tila nawawala na sa katinuan si King Qian dahil sa pangyayaring ito.
Mayroon bang mali sa kaniyang Spatial Ring? Maaari kayang nalunok ng Spatial Ring ang Devilseal Tablet?
Sa sandaling ito, ang isa sa mga matatandang lalaki sa likod ni King Qian ay naisip ito, "Fourth Imperial Highness, hindi kaya may ginawa si Duan Ling Tian sa Devilseal Tablet?"
"May ginawa? Paanong makakagawa siya ng kahit na ano? Napakalayo niya sa akin at sa Devilseal Tablet! Huwag niyong sabihin na lumipad pabalik papunta sa kaniya ang Devilseal Tablet?" Umiling si King Qian. Nang maalala niya ang nangyari kanina, ay hindi niya talaga maunawaan kung paano nawala ang Devilseal Tablet na ito.
Natahimik ang dalawang matandang lalaki nang marinig nila ang mga sinabi nito.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください