Sa mismong sandaling iyon, parehong nakaramdam sina Li Fei at Ke Er ng tuluyang pagbabago sa pakiramdam mula sa simula hanggang sa dulo.
Ang pagbabago ay parang pag-angat mula sa impyerno patungo sa langit!
Hindi sila nakalimutan ng kanilang nobyo. Bagkus, nawalan siya ng alaala!
"Pilyo, paano nawala ang iyong alaala?"
"Young Master, ano ang eksaktong nangyari?" Tanong nina Li Fei at Ke Er habang tinitingnan si Duan Ling Tian.
Nang malaman nila na hindi sila sinadyang kalimutan ng kanilang nobyo, nawala ang kalungkutan sa kanilang mga mata, ang naiwan na lamang ay pag-aalala.
Habang nakatingin sa dalawang babaeng nag-aalalang nakatingin sa kaniya,ang pagkabog ng puso ni Duan Ling Tian ay mas lalong lumalakas.
Masasabi niyang ang dalawang babae na pamilyar sa kaniya ay totoo ang pag-aalala sa kaniya. Totoo ang kanilang nararamdaman at hindi nila ito pinepeke.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください