"Sect Leader ng True Martial Sect?" Matapos marinig ang mga salita ni Wu Lie, tumango si Duan Ling Tian sa pagkaunawa. "Ikaw pala ang ama ng dalawang hangal na iyon."
Hangal!
Nang lumabas ang mga salita sa bibig ni Duan Ling Tian, halos lahat ng mga taong andoon ay may kakaibang ekspresyon.
Tinignan nilang lahat si Wu Lie.
Ano ang ibig sabihin ng sinabi niyang ama ng dalawang hangal?
"Ikaw…. Ikaw… Duan Ling Tian, huwag mo nang ipilit pa!" Halos atakihin na ni Wu Lie si Duan Ling Tian sa galit. Sa pagkakataong iyon, naalala niyang napakalakas pala ni Duan Ling Tian, kung kaya kailangan niya na lang lunukin ang lahat at maghintay.
Sabagay, hindi lang naman siya ang may ayaw kay Duan Ling Tian at sa Ling Tian Sect.
"Huwag ipilit?" Tinignan ni Duan Ling Tian si Wu Lie nang may pagkutya. "Itutuloy ko pa rin, ano naman ang magagawa mo? Mangangahas ka ba na atakihin ako?"
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください