"Nakarating na tayo." Isang tinig ang biglang pumasok sa mga tainga ni Duan Ling Tian na nakatuon ang atensyon sa pag-aaral ng Wind Concept, dahilan upang maramdam niyang para bang napabalikwas siya mula sa isang panaginp.
Matapos magising ni Duan Ling Tian, nakita niyang dumating na sila sa isang pamilyar na gorge.
Nang makita niya ang bola ng hangin na tila ulap o hamog, tuluyang nagbigay reaksyon si Duan Ling Tian sa kinaroroonan niya. Ang lugar na ito ay pamilyar sa kaniya, nagpunta na siya rito dati ng dalawang beses.
Ang unang beses ay kasama si Feng Wi Dao, Feng Tian Wu, at Elder Kong.
Sa oras na iyon, ang puntirya niya ang Soulcleanse Pool.
Pagkatapos noon, nahanap ang isang tirahan sa ilalim ng tubig sa loob ng Soulcleanse Pool, at nakuha niya ng isang soul brand na tumulong sa kaniya upang makuha ang soul skill na para sa kaniya, ang soul skill Thousand Illusions.
Ang ikalawang beses na nagpunta siya rito ay dahil sa pagtakas.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください