"Ganoon pala iyon." Nang makita niyang desperado inatake ni Zhang Yan si Chen Shao Shuai, habang si Chen Shao Shuai ay maayos na naharangan ang atake, lumiwanag ang mukha ni Duan Ling Tian dahil siya'y may naintindihan na.
Kung ang pag-atake ang pag-uusapan, mayroong kalamangan si Chen Shao Shuai kay Zhang Yan.
Kung bilis naman ang pag-uusapan, mahina si Chen Shao Shuai kumpara kay Zhang yan.
Kaya't pinili ni Chen Shao Shuai ang dumipensa at hindi umatake.
Dahil alam niya na kung siya'y biglang aatake, mabibigyan nito ng pagkakataong umatake si Zhang Yan.
"Ito pala ang plano ng Sword Young Master."
"Sa paraang ito, paniguradong hindi matatalo ang Sword Young Master!"
…
Hindi nagtagal, maraming tao ang nahulaan ang intensyon ni Chen Shao Shuai.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください