Ang mga bulong-bulungan ng mga disipulo ng Megrez Peak ay pumasok sa mga tainga ni Wu Yong Qian, nagsasanhi sa kaniyang mukha na mangitim at ang kaniyang mabangis na mga mata ay kumurap na may matinding galit.
Ang Duan Ling Tian na ito ay nilumpo ang kanan niyang kamay, nagsasanhi sa kaniya na mahirapan, at ang mga makakamit niya sa hinaharap ay mapanglaw.
Ang kaniyang pangarap simula noong bata pa ay ang makuha ang pusisyon ng kaniyang ama-amahan at maging ang Master ng Megrez Peak ng Seven Star Sword Sect.
Ngunit ngayong mukhang ang lahat ng ito ay magiging grabeng pag-asa na lamang!
"Duan Ling Tian, kung 'di dahil sa'yo, siguradong magiging ako ang Master ng Megrez Peak sa hinaharap… ang lahat ng iyon ay dahil sa'yo." Ang puso ni Wu Yong Qian ay napupuno ng labis na galit, at wala na siyang iba pang mahihiling kung 'di ang pagpira-pirasuhin si Duan Ling Tian, pagkatapos ay sunugin ang kaniyang mga buto at ikalat ang kaniyang mga abo.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください