webnovel

Li Qing?

編集者: LiberReverieGroup

Kahit ano pa man, hindi kailanman naisip ni Duan Ling Tian na makatatagpo niyang muli si Pei San, saka sa pangunahing kalye ng inner city ng Imperial City.

Lahat sa mundo ay tunay na pabagu-bago!

Habang binabalikan ang panahong nagsisisi siya matapos putulin ang braso ni Pei San, biglang naramdaman ni Duan Ling Tian an para bang wala na siya sa parehong panahon.

Naaalala pa rin niya kung paano niya desperadong tinatadyakan ang kaniyang kabayo upang tumakbo nang mabilis patungong Triumph City para matakasan ang powerhouse na nakasunod kay Pei San.

Naiisip niya na paano kung naabutan siya ng powerhouse na nakasunod sa kay Pei San, ang siya nang panahon na iyon ay siguradong namatay!

Pagkatapos noon, kahit na nanatili siya sa Triumph city ng ilang araw, nag-ingat pa rin siya sa bawat paghakbang sa daan, dahil labis siyang natatakot na mabunyag.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ