webnovel

Ang Backer ni Tong Li

編集者: LiberReverieGroup

Kinabukasan nang sumunod na araw, lumabas si Duan Ling Tian sa sarili niyang bahay at nagtungo sa Paladin Academy.

"Ang bilis lumipas ng dalawang araw na pahinga…" Bahagyang nanliit ang mga mata ni Duan Ling Tian habng marahan siyang naglalakad papasok sa Paladin Academy.

Samantala, napapansin pa rin niya ang mga matang nakatitig sa kaniya, at nasanay na siya rito, hindi niya na ito pinansin.

Nang kapapasok pa lamang ni Duan Ling Tian sa silid-aralan, napansin niyang pumalibot sa kaniya ang mga tingin ng grupo ng mga istudyante sa loob ng silid-aralan.

"Duan Ling Tian, binabati kita!" Tiningnan ni Xiao Xun si Duan Ling Tian habang binabati ito ng mayroong ngiti.

"Para saan ang pagbati mo sa akin?" Nalito si Duan Ling Tian at hindi makapagbigay ng reaksyon.

"Ano pa ba? binabati kita sa pagbabalik mo sa Duan Clan at muling pagiging miyembro ng mga direktang apo ng Duan Clan," Dagdag ni Xiao Yu.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ