Maagang namatay?
Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay naging higit na mas malamig...
Kahit na wala siyang nararamdaman sa kaniyang walang kuwentang ama, siya pa rin ang kaniyang ama. Siya rin ang asawa ng kaniyang ina na pinakarerespeto niya. Paano niya hahayaan si Duan Ling Tian na hindi galangin ang kaniyang ama nang ganito?
Natigilan si Duan Rong. "Duan Ru Feng?" Ito ay isang pangalan na narinig na niya dati...
Si Duan Ru Feng, ang dating walang kapantay na henyo ng Duan Clan ng Imperial City, isang anyo na biglang lumitaw sa kalayuan tulad ng isang bulalakaw ay wala nang balita tungkol sa kaniya simula nang mawala siya 18 taon nang nakaraan. Ngunit kahit ganoon, siya ay lubos pa ring naaalala ng nakararami.
Kung hindi naglaho si Duan Ru Feng, eh 'di siya ang magiging third master ng Duan Clan. Hindi, kung hindi naglaho si Duan Ru Feng, basta't siya ay handa, kahit ang pusisyon ng Patriarch ng Duan Clan ay magiging kaniya!
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください