Matapos dumating sa main clan ay saka lamang naintindihan ni Duan Ling Tian kung gaano kaliit ang branch family ng Fresh Breeze Town.
Sa branch family, kapag binibilang lahat ng disipulo na may apelyido ng Li at disipulo na may ibang apelyido, ang kabuuang bilang ng tao ay nasa dalawang daan.
Ang mga mapagkukunan na kanilang kinokontrol ay isa sa tatlo lamang na laman ng pamilihan ng Fresh Breeze Town. Kahit ang mahirap na minahan ng bakal sa labas ng bayan ay pinaghahatian pa ng ibang dalawang pamilya.
Sa kabilang banda, ang main clan ng Li Family ay isang napakalaking clan na mayroong libo-libong miyembro!
Bukod pa doon, maraming kontroladong mga bilihan ang clan sa mga mataong lugar ng Aurora City, malaking pagmamay-ari na lupa, at iba't ibang kuhaan ng mga yamang lupa.
Ang pinagkaiba ng dalawa ay parang langit at lupa!
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください