Ang coming of age of ceremony, isang napaka-importanteng bagay na isang beses lamang sa buhay kung mangyari.
Ayon sa mga lumang kautusan, ang coming of age ceremony ng Li family ay ginaganap kasama ang Fang at Chen families, walang pagkakaiba ngayong taon.
Ngayong taon, ang Chen family naman ang punong-abala sa seremonya.
"Tian, Ke er, ilang araw na lamang ay nasa tamang edad na kayo," sabi ni Li Rou sa magkasintahang nasa tabi niya. Ang kaniyang magadang mukha ay puno ng pagmamahal.
"Ke Er, narinig mo ba? malapit na tayong tumuntong sa tamang edad, kaya't maaari na natin siyag bigyan ng lalaking apo ng may makalaro na si ina," sabi ng binata sa dalagitang katabi niya.
Ang kaniyang mukha ay namula at nahihiyang yumuko. Wala siyang masabi.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください