Mabilis na lumipas ang oras at hindi nagtagal ay dumating na ang kasunod na buwan.
Ngayon ang araw ng pagtutuos pa pagitan nina Duan Ling Tian at Li Jie.
Bukang liwayway, sa isang malinis at maayos na silid.
Tumayo si Duan Ling Tian at humakbang paalis sa kanyang batyang panligo.
Naubos na ng kanyang katawan ang huling patak ng Seven Treasures Body Tempering Liquid para sa araw na iyon.
Dahan dahan niyang pinanginig ang namamanhid niyang katawan at naramdaman ang lakas nito. Matapos nito ay ngumiti siya na sa sobrang bahagya ay hindi ito agad mapapansin ng makakakita.
Hindi nasayang ang lahat ng mga pinaghirapan niya ng isang buwan!
Matapos marahas na magpalakas sa loob ng isang buwan, makikita sa mukha ni Duan Ling Tian ang unti unting paghubog ng mukha nito na nakapagpatanda nang bahagya sa murang itsura nito.
Ang matagal na panahon ng body tempering ay nagresulta sa pagtipuno at pagtibay ng katawan ni Duan Ling Tian.
Lalo pang naipakita ang perpektong pangangatawan nito ng suot suot niyang fitted na damit na kulay purple.
Nagmistula na siyang ibang tao kung ikukumpara sa sakiting itsura na mayroon siya isang buwan na ang nakalilipas noong hindi man lang siya makatungtong sa unang antas ng kanyang Body Tempering at maging isang martial artist.
Ilang sandali pa ay nakarinig na siya ng mahinang pagkatok na nanggagaling sa labas.
"Gising na po ba kayo young master?"
Sabi ng isang boses na maihahalintulad sa isang ibong oriole na kumakanta na tumama sa payapang pakiramdam ni Duan Ling Tian.
Matapos niyang isuot ang kanyang mga damit ay dahan dahang naglakad na si Duan Ling Tian papunta sa likod ng screen at binuksan ito.
Noong bumukas ang screen ay nagliwanag ang buong silid dahil sa maliwanag at mainit na sinag ng araw na pumasok sa kanyang silid at dumampi sa kanyang katawan.
Sa labas naman ay mayroong isang payat at kaaya ayang babae ang nakatitig nang husto kay Duan Ling Tian. At noong magtama ang kanilang mga paningin ay agad itong yumuko sa sobrang pagkataranta habang nagsisimulang mamula na para bang isang rosas ang mukha nito.
Ang kulay light green na damit ng dalagita ang nagpakita sa lalo pang humuhubog na katawan nito.
Isang pares ng mga bulaklak na malapit nang mamukadkad ang nagpakawala sa temptasyon ng pagiging bata.
Makikita ang isang light blue na sinturon na tinatangay ng hangin ang nakapulupot sa payat nitong baiwang na kayang yakapin gamit lamang ang isang braso
Natuliro nang ilang sandali si Duan Ling Tian habang nakatingin sa dalagitang nasa labas.
"Ang aga mong nagising Ke Er."
At noong magising na siya sa pagkakatuliro ay napangiti na lang ito ng kaunti.
Napabuntong hininga na lang siya sa loob looban niya. Lalong paseksi ng paseksi ang katawan nito simula noong makumpleto nito ang kanyang body tempering nitong nakaraang buwan lamang.
At habang inuusisa niya ito ng maigi, napansin niya ang pulang pula na mukha nito na para bang may tutulo na dugo sa loob lang ng ilang saglit.
"Sabi po ni madam na mauuna na raw po siya. Ibinilin niya po sa akin na gisingin daw po kita at sabayan ka sa iyong pagpunta sa laban. Hindi ko po akalaing magigising po kayo ng ganito kaaga."
Kumurap ang dalagita at tumaas ang mga maninipis na kilay nito na para bang isang pares ng cresent moon habang mahina siyang yumuyuko kay Duan Ling Tian.
Natawa na lang bigla si Duan Ling Tian noong marinig niya ang sinabing iyon ng dalagita
<Iniisip ba ng aking ina na ako pa rin yung tamad batang inaalagaan niya dati wala nang ginawa kung hindi matulog?>
"Nakatungtong ka na ikalawang antas ng iyong….. Body Tempering Stage Ke Er?"
Gulat na gulat niyang tiningnan ang dalagita noong mapansin niyang nakatungtong na ito sa ikalawang antas ng kanyang Body Tempering Stage.
"Maraming salamat po sa inyo young master at sa likidong gamot na ibinahagi niyo sa akin. Kung hindi dahil dito, matatagalan pa po ang aking pagpapalakas bago makatungtong sa antas ng Body Tempering stage na mayroon po ako ngayon."
Gumalaw ng kaunti ang mga mata ng dalagita at tumaas pa ng bahagya ang kanyang mala willow leaf na kilay. Marahan siyang yumuko at nagpakita ng isang hindi mapipigilang ngiti.
"Pangalawa na lamang ang likidong gamot na iyang kung tutuosin. Ang pinakaimportanteng bahagi ay ang iyong talento na binaon mo mula ng iyong pagkapanganak. Mukha ring naangkop sa iyo ang Frost God's Sword Technique…. Kakailanganin mo na ng espada para magawa mo ang sword cultivation method. Sasamahan kita mamayang hapon para bumili ng espada"
Napakamot sa ulo niya si Duan Ling Tian at ngumiti.
"Hindi ba't sabi niyo na hindi naglalaman ng mga pagsasanay na may kasamang sandata ang body tempering section ng Frost God's Sword Technique?
Kumurap ang mga mata ng dalagita.
"Tuturuan kita ng ibang paamaraan sa paggamit ng sandata. Gusto mo bang matuto?"
Maligalig na tanong ni Duan Ling Tian.
"Opo!"
Mabilis na sagot niya habang yumuyuko na para bang natatakot na baka bawiin ni Duan Ling Tian ang mga sinabi nito.
"Kung gayoon ay halika na Ke Er!"
Matapos lumabas ng kanyang silid at isara ang pintuan nito ay agad siyang pumunta sa ginta at hinawakan ang munting mga braso nitong napakalambot. Ang kanyang mga galaw ay napaka natural at swabe na para bang sinanay na niya ito nang mangilan ngilang beses.
"Opo, pero hindi po natin dapat paghintayin si madam ng masyadong matagal"
Bakas sa ngiti ng dalaga ang saying kanyang nararamdaman habang mahigpit na nakahawak ang kamay nito sa kamay ni Duan Ling Tian.
Naghawak kamay ang magkasintahan habang naglalakad palabas ng bakuran papunta sa Martial Arts Practice Hall ng pamilya Li.
Nakapukaw sila ng pansin sa mga taong sumasalubong sa kanila. Ang iba ay makikitang naiingit, ang iba naman ay humahanga, at ang iba naman ay naiinis.
Ang mga mata ng mga miyembro ng pamilya Li na kanilang nakakasalubong ay halos magbuga na ng apoy habang nakatingin sa dalawa habang sila ay naglalakad. Hinihiling nila na sana ay kaya nilang itulak papaalis si Duan Ling Tian at palitan ito.
Mayroon ding mga dalagitang naiingit noong nakita nila si Ke Er, na sa sobrang ganda ay maihahalintulad na sa isang Celestial Maiden.
...
Ang Martial Arts Practice Hall ng pamilya Li ay isang mabatong arena.
Ang lupa sa taas ng area ay may mas mataas na elevation. Napakaraming tao ang nagpupunta rito ngayon. Ang lahat ng ito ay miyembro ng pamilya Li na nagsama sama upang manood ng pagtutuos. Ang mga boses nila ay halos umabot na sa mga ulap sa sobrang sabik nila sa mangyayaring paghaharap.
"Dalawang bata lamang ang magtutuos ngayong araw, pero halos lahat ng mga nakatatanda ay pumuna upang manood! Kahanga hanga!"
"Oo nga! Kahit ang mga manager ng mga negosyo ng pamilya Li sa malalayong mga lugar ay nagpuntahan sa Fresh Breeze Town upang manood! Maikukumpara ang okasyong ito ngayon sa isang coming of age ceremony ng pamilya Li."
"Para sa akin, ang rason kung bakit sila nagpuntahan dito upang manood ay dahil pinaanyayahan ng ika pitong nakatatanda ang Ama at ang pinaka nakatatanda para manood, at maituturing na isang kabastusan kung hindi sila pupunta rito ngayon."
...
Mayroon isang mataas na platform ang inilatag sa harap ng Martial Arts Practice Arena. Maraming tao na ang nakaupo rito habang umiinom ng napakabangong tsaa.
Ang mga taong ito ay ang mga pinakamatataas na miyembro ng pamilya Li.
Ang pinaka ama ng pamilya Li na si Li Nan Feng ay nakaupo sa gitna nila.
Maliban sa bakanteng upuan sa tabi niya, ang lahat ng upuan sa platform na iyon ay nakuha na. Nasa likuran ng mga nakatatandang miyembro ng pamilya Li ang iilang mga batang lalaki at babae.
Napakapayapa ng pakiramdam ng ika siyam na miyembro ng pamilya Li na si Li Rou. Na sa sobrang payapa nito, hindi ito magbabago kahit na bumagsak pa ang Mount Tai sa kanyang harapan.
"Ika siyam na nakatatanda, Mayroon kang napakagandang kontrol sa sarili."
Ang ika pitong nakatatanda na si Li Kun at si Li Rou ay pinaghihiwalay ng Ika walong nakatatanda na nakaupo sa kanilang gitna, kailangan pang lumiyad ni Li Kun para makita si Li Rou kung saan ay nakapagbigay pa ito ng isang ngiti.
Nararamdaman ni Li Kun ang kasiguraduhang pagkapanalo ng kanyang anak.
Kumilos si Li Rou na para bang hindi niya ito naririnig at hinayaan siya na nagresulta sa pagharang ng ika walang nakatatanda na nasa kanilang gitna sa ngiting nais ipakita ni Li Kun kay Li Rou.
"Humph!"
Nagngangalit na singhal ni Li Kun.
Gusto niyang malaman kung hanggang saan kayang itago ni Li Rou ang kanyang nararamdaman.
Nakasisiguro siya na tuluyang mapaparalisa ni Li Jie ang buong katawan ni Duan Ling Tian bilang paghihiganti sa kapatid nitong si Li Xin.
"Pinaka nakatatanda!"
"Pinaka nakatatanda!"
...
Nahati sa dalawa ang mala dagat na dami ng tao.
Umakyat ang isang matanda papunta sa platform kasabay ng sunod sunod na paggalang para rito.
Iyan ang pinaka nakatatanda ng pamilya Li na si Li Huo!
"Pinaka nakatatanda!"
Kabilang ang ama na si Li Nan Feng, ang lahat ng nakatatanda sa pamilya Li ay tumayo at nagbigay galang sa matandang lalaking iyon.
Bukod sa pagiging pinakamataas na tao sa pamilya Li, Isa rin siyang iginagalang na Grade Nine Alchemist.
Ang mga graded alchemist lamang ang itinuturing na mga tunay na alchemist sa Cloud Continent.
At kailangan rin ng kahit na sino na maabot ang mga itinakdang kakayahan upang maituring na isang alchemist.
Sinasabi na sa isang libong Core Formation Stage na mga martial artist, may mga pagkakataong wala ni isa ang may kakayanan upang maging isang alchemist.
Mayroong sari saliling mga Grade Nine Alchemist ang bawat isa sa tatlong pinakamakapangyarihang pamilya sa Fresh Breeze Town.
Pero ang pamilya Li lamang ang may alchemist na nanggaling sa sarili nilang angkan. Ang iba naman ay kailangan pang imbitahan ng dalawang pamilya at bayaran ng napakalaking halaga. Ang mga alchemist na iyon ay puwedeng umalis kailanman nila gustuhin.
Marahang yumuko ang matandang lalaki at umupo sa tabi ng Ama na si Li Nan Feng. Matapos nito ay ipinikit niya ang kanyang mga mata at ipinahinga ang kanyang isipan.
"Dahil dumating na ang pinakanakatatanda, pumasok ka na sa arena batang Jie!"
Sabi ng ika pitong nakatatanda sa anak niyang si Li Jie na nakatayo sa kanyang likuran. Matapos tumango ay naglakad na ito papunta sa napakalawak na Martial Arts Practice Hall.
"Dumating na ang pinakanakatatanda at pumunta na si Li Jie sa arena, bakit hindi pa dumarating si Duan Ling Tian?"
"Napakawalang modo talaga ng batang iyan!"
"Hindi naman siya takot na pumunta, hindi ba?"
...
Nagsimulang magusap usap ng mga taong nakapaligid sa Martial Arts Practice Hall. Ang iba sa kanila ay gustong laitin si Duan Ling Tian.
"Ika siyam na nakatatanda, bakit hindi pa rin dumarating ang iyong anak na si Duan Ling Tian ngayon na nandito na ang lahat kabilang ang pinakanakatatanda? Hindi naman siya siguro takot magpakita ngayon dito hindi ba?"
Ang malakas na sinabi ng ikapitong nakatatanda sa mataas na platform.
"Huwag kang mag alala ika pitong nakatatanda dahil tinanggap ng anak ko ang hamon ng iyong anak. Natural na magpapakita siya ngayon dito."
Sabi ni Li Rou at pagkatapos nito ay gumawa siya ng mahinang singhal.
"Nararamdaman ko na walang rason upang ipagpatuloy ang pagtutuos na ito ngayon, ika siyam na nakatatanda. Bakit hindi ka na lang magbigay ng iyong pagsuko sa ngalan ng anak mong si Duan Ling Tian? Pagkakataon mo na ito upang maiiwas ang iyong anak sa tiyak na kapahamakan gayundin ang tuluyang pagkasira ng relasyon niyo ng ika pitong nakatatanda."
Kampanteng sinabi ng ika anim na nakatatandang si Li Ping na may peklat ng kutsilyo sa kanyang mukha. Sinabi niya ito na para bang magkalapit sila ng ika pitong nakatatandang si Li Kun.
"Ayon sa sinabi mo ika anim na nakatatanda, nakatitiyak ka ba na mananalo si Li Jie sa pagtutuos na ito?"
Hindi mapigilang tanong ng ika limang nakatatanda.
"Iyon ang katotohanang iniisip ng lahat."
Pangiting sabi ni Li Ping.
"Kung gayon ay magpustahan tayo ika anim na nakatatanda… bibigyan kita ng limang daang piraso ng pilak kung mananalo si Li Jie. At bibigyan mo naman ako ng limang daang piraso ng pilak kung si Duan Ling Tian naman ang mananalo. Ano sa tingin mo?"
Tumingin muna nang malalim si Li Ting kay Li Ping bago niya sabihin ito nang mabagal.
Binibigyan lamang ng dalawampung piraso ng pilak ang bawat buwan ang bawat miyembro ng nakatatanda sa pamilya Li. Hindi inaasahang handang itaya ni Li Ting ang kanyang suweldong katumbas ng ilang taon upang makipagpustahan!
Napatingin ang ibang matataas na miyembro ng pamilya Li kabilang ang ama na si Li Nan Feng kay Li Ting sa sobrang gulat. Hindi nila akalain na ganoon katiwala ang ika limang nakatatanda na mananalo ang anak ni Li Rou na si Duan Ling Tian.
Napabukas din ang mga nakapikit na mata ng pinakanakatatandang si Li Huo upang tingnan ng malalim si Li Ting.
Biglang nagliwanag ang mga mata ni Li Ping noong marinig niya ang sinabi ni Li Ting.
Isa siyang tao na nahuhumaling sa pagsusugal. Dahil dito ay kilala na siya bilang isang adik sa pagsusugal. At ang kanyang nasa isip ay binibigyan lamang siya ni Li Ting ng libreng salapi.
Ang malaking problema lang para sa kanya ay wala siyang limang daang piraso ng pilak sa mga panahong ito.
Ang karamihan sa kanyang mga salapi ay kanya nang naiwaldas sa mga sugalan.
"Natatakot ka ba, ika anim na nakatatanda"
Tumawa si Li Ting noong makita niya na tahimik ang ika anim na nakatatandang si Li Ping.
Biglang namula ang mukha ni Li Ping. Agad itong lumiyad at lumingon sa ika pitong nakatatandang si Li Kung upang kausapin ito.
"Kaya kitang pahiramin ng limandaang piraso ng pilak. Gayundin ay maglalabas pa muli ako ng limandaang piraso ng pilak para makipagputahan sa ika limang nakatatanda. Ika limang nakatatanda, handa ka rin bang makipagpustahan sa akin?"
Sabi ni Li Kun habang nakikita niya na ang nahihirapang si Li Ping. Matapos nito ay tiningnan naman niya ng maigi si Li Ting.
Sumimangot si Li Ting.
Kahit na iilang taong halaga lamang ng suweldo ang limandaang piraso ng pilak, walong daang piraso ng pilak na lamang ang matitira sa kaniya kung papayag siya sa hamon nina Li Kung at Li Ping.
Si Li Kun na may ipon na aabot sa isang libong piraso ng pilak ay napabibilang na sa pinakamayayamang mga nakatatanda ng pamilya Li.
Sinasabi na isusugal ni Li Kun ang lahat ng kanyang kayamanan para sa kanyang anak sa pagtutuos na ito.