Nang makapasok siya sa loob ng Nine Remoteness Whirlpool, agad na naramdaman ni Luo Feng nanapakatindi at pumupunit na pagdaloy ng tubig na hindi pa niya nararanasan noon. Naramdaman niyang nasa loob siya ng isang makinang dumudurog sa mga bato. Nagcrack at nagkabalibaliko ang kaniyang mukha.
"Sapat na ang lakas na ito para wasakin ako!" napagtanto ng natatakot na si Luo Feng "Seal Star!"
Sou!
Isang seal star ang nagpakita—isa itong nangseselyong kayamanan na may sariling space sa loob—agad na pumasok sa loob nito si Luo Feng. Kaya hangga't magagawa niyang magtago rito, agad na hihina nang husto ang anumang pagatakeng tatama sa kaniya mula sa labas. Pero mayroon din itong disadvantage. Dahil hindi magagawng lumipad nang mabilis o magisang umilag ng sealed star, magagawa itong makuha ng kaniyang mga kalaban. Wala itong magiging pakinabang kung gusto ng isang nilalang na tumakas sa kaniyang kalaban na kagaya ni Bark Mirror Emperor.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください