webnovel

Ang Throwing Knife na Puno ng Dugo

編集者: LiberReverieGroup

Alam na nila na garantisado ang tiyansa ng kanilang pagkamatay. Ang paghihiwalay nila ang nag-iisa na lang nilang paraan para manatiling buhay. Pero, sina Gao Feng, yung Wei Jia brothers, si Chen Gu, at maging si Zhang Ke ay napatulala sa anim na throwing knives na lumulutang sa paligid ni Luo Feng. Nabigla ang bawat isa sa kanila. Maging si Chen Gu ay kumurap ng dalawang beses para masiguradong tama talaga ang nakikita niya sa panahong ito… Walang duda na lumulutang nga ang mga throwing knives na ito sa paligid ni Luo Feng!

"Spirit reader!"

"Telekinesis!"

"Isang spirit reader si Luo Feng?"

Ito ang mga tanong na pumasok sa mga isipan nina Gao Feng at ng iba pang miyembro ng Fire Hammer Squad. Ang lahat ay naconfuse at namula dahil sa kanilang nakikita. Matapos nito ay sumigaw si Gao Feng ng, "Makinig kayo kay Luo Feng! Sumunod kayo sa kanya!"

"RUMBLE~~~" Nagpatuloy sa paghabol ang higit sa isang libong galit na halimaw. Nabiyak ang mga kalsada at gumuho ang mga sira-sirang gusali na nadadaanan ng mga ito. Mayroon tayong lumang kasabihan na: Ten thousand horses galloping*. Pero ang bawat isa sa mga halimaw na ito ay isandaang beses na mas malakas at mas malaki kaysa sa isang warhorse. Kaya ang isang libong mga halimaw na ito ay mas nakakatakot kaysa sa sampung libong tumatakbong warhorse.

*Note mula sa TL: ang original phrase nito ay 萬馬奔騰

"Sa kaliwa!" sigaw ni Luo Feng.

Agad na sumunod ang ibang miyembro ng Fire Hammer Squad kay Luo Feng na agad na lumiko pakaliwa. Dala-dala pa rin ng isa sa Wei Jia brothers na si Wei Qing ang duguang si Zhang Ke.

"ROAR~""HOWL~"...

Mabagal na kumalat ang amoy ng mga halimaw na humahabol sa kanila. At dahil tumakbo sila pakaliwa kaysa tumakbo palayo ay sinalubong nila ang mga halimaw na patuloy na humahabol sa kanila. Ang mga amoy nito ay nanatili sa mga ilong ng bawat miyembro ng Fire Hammer Squad. Sa mga oras na ito ay nagngitngit ang mga ngipin ni Luo Feng at matapos ang isang masamang tingin ay biglang gumalaw ng isa-isa ang mga throwing knives na umiikot sa paligid nito!

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Mabilis na lumikha ng isang mirage ang anim na throwing knives at sa isang iglap pa ay maririnig ang isang "PUCHI!" sound nang tumama ang isang throwing knife sa ulo ng isang lion mastiff na tumatakbo papunta sa kanila. Makikita ring mayroon pang dumikit na cerebrospinal liquid sa throwing knife na bumaon sa ulo ng halimaw na ito nang mabunot ito. Ang mga throwing knives na ito na kinokontrol ng spiritual force ni Luo Feng ay napakabilis na sumaksak sa mga ulo ng paparating ng mga halimaw!

Sa loob ng isang saglit ay nakapatay na ng higit na 30 na halimaw ang anim na throwing knives na kinokontrol ng spiritual force ni Luo Feng!

Makikita ang pag-agos ng sariwang dugo at cerebrospinal juice mula sa bawat halimaw na napatay ni Luo Feng.

"HOWL~~"

"RUMBLE~~" 30 sa mga umaalulong na halimaw ang sabay-sabay na bumagsak sa likod ng tumatakas na Fire Hammer Squad. Kasabay ng pagbagsak ng mga halimaw ang pagdulas ng mga katawan nito nang may layong 10 metro sa lupa. Makikita sa likod ng tumatakas na Fire Hammer Squad ang tumpok na mga bangkay ng mga halimaw na napatay ng mga throwing knife ni Luo Feng.

Si Gao Feng, Chen Gu, ang Wei Jia brothers at maging ang namumutlang si Zhang Ke ay natulala sa kanilang mga nasaksihan.

Alam nilang malalakas talaga ang mga spirit readers pero….. hindi na ito makatotohanan!

Isa-isang lumipad ang anim niyang mga throwing knives na para bang mga mirage. Sinaksak ng mga ito ang ulo ng mga halimaw na may layong 20 meters mula sa puwesto ni Luo Feng. Sadyang katakot takot ang precision ng bawat isa sa mga ito!

"Mabilis kong mauubos ang aking spiritual force kung magpapatuloy ito ng ganito," gulat na gulat na sabi ni Luo Feng sa kanyang sarili. Marami-rami rin kasi ang nagagamit niyang spiritual force sa bawat pagsaksak ng mga ito sa ulo ng mga halimaw na lumalapit sa kanila. At ngayon ay nararamdaman niyang nagamit na niya halos lahat ng kanyang mga spiritual force noong nakapatay na siya ng 50 na halimaw sa loob lang ng isang iglap.

Si Chen Gu na nasa likuran ni Luo Feng, ay hindi mapigilang sumigaw sa sobrang hindi pagkapaniwala sa kaniyang mga nakikita, "GRABE! Nawawala ka na ata sa sarili mo! Baka kahit kaharap natin ay isang libong halimaw, mapapatay pa rin niya iyon!"

"Huwag mong sayangin ang hininga mo. Habang tumatagal ay parami ng parami ang mga halimaw na humahabol sa atin! Maaaring may nasa isang libo ang humahabol sa atin ngayon pero hindi magtatagal ay maaaring umabot ito ng limang libo at pwede ring umabot ang bilang ng mga ito sa sampung libo! At hindi pa ito nagtatapos doon! Hindi magtatagal ay maaaring may mga sumali na ring mga commander level na halimaw sa mga humahabol sa atin! Paano sa tingin mo mauubos ng isang spirit reader ang mga lahat ng mga iyon? Iniisip mo bang hindi na kailangan ng mga spirit reader ang kanilang mga spiritual force?" Tawa ni Gao Feng.

Nagawa pa ng Fire Hammer Squad na magkuwentuhan habang hinahabol na sila ng napakalaking grupo ng halimaw.

Hindi maimagine ng kahit sino na maging ang kanilang captain na si Gao Feng, Chen Gu at ang iba pa ay hindi na nakaramdam ng kahit anong pressure dahil ang lahat ng halimaw na papalapit sa kanila ay agad nang napapatay na ng mga lumulutang na throwing knives bago pa man ito makalapit sa kanila.

"Umakyat kayo sa pader na iyon!" utos ni Luo Feng.

Agad na umakyat sa pader na iyon ang bawat miyembro ng Fire Hammer Squad. At kahit na marami sa kanilang mga kasamahan ay namatay ay nagpatuloy pa rin ang mga ito sa paghabol hanggang kamatayan. Dahil diyan ay nagpatuloy pa rin si Luo Feng sa pagsaksak sa mga halimaw na papalapit sa kanilang grupo gamit ang kanyang mga throwing knives na kinokontrol ng spiritual force!

Alam naman natin na---

Ang kasalukuyang fitness level ni Luo Feng ay malapit nang pumantay sa level ng isang 'advanced warrior level fighter.' At dahil tumataas ng dalawang level ang fitness level ng isang fighter na nagtataglay ng spiritual force, ang kanyang fitness level ngayon ay malapit nang pumantay sa level ng isang 'intermediate warlord level fighter.' Ang mga spirit readers ay ang mga pinakanakakatakot na uri ng fighters dahil kayang-kaya nitong wasakin ng tuluyan ang isang halimaw o tao na nasa parehong level!

At dahil diyan ay kaya ni Luo Feng na manaksak ng halimaw nang hindi lumalapit sa mga ito gamit ang kanyang telekinesis!

Pero ang lahat ng ito ay may hangganan dahil habang padami ng padami ang mga bagay na kanyang kinokontrol ay pahina ng pahina ang lakas ng mga bagay na kaniyang kinokontrol, bukod pa sa patuloy na pagbaba ng accuracy ng mga ito. Sa totoo lang, dalawang kutsilyo lang ang makakayanang kontrolin ni Luo Feng kung gugustuhin niya mang mamaximize ang lakas ng mga ito.

Sa pamamagitan ng paggamit ng anim na throwing knives ay makakasiguro si Luo Feng na makakapatay ang bawat isa sa mga ito ng isang 'low level commander' na halimaw nang hindi pumapalya.

At sa paggamit naman ng dalawang throwing knives ay nakasisiguro si Luo Feng na kaya niyang makapatay ng isang 'medium level commander' gamit ang buong lakas ng bawat isa sa mga kutsilyong ito.

"RUMBLE~~" Winasak ng mga walang kinakatakutang halimaw ang pader na inaakyatan ng Fire Hammer Squad.

PUCHI! PUCHI!

Patuloy sa pagsaksak sa mga papalapit na halimaw ang mga lumulutang na throwing knives sa paligid ni Luo Feng. At matapos ang ilang sandali ay nailigaw na rin nila ang iilan sa mga halimaw na humahabol sa kanila noong pumasok sila sa isang napakalayong eskinita.

����

Sa mga oras na ito ay nakatakbo na ng malayo ang mga miyembro ng Tiger Fang Squad. Dahil hinahabol ng maraming halimaw ang Fire Hammer Squad, kaunti lang ang nakita nilang halimaw sa paligid nila kaya sila nakalayo mula sa rooftop na kanilang pinanggalingan. Noong nakapasok sila sa isang bagong area kung saan naninirahan ang karamihan ng mga halimaw ay bumalik sila sa paglalakad na may kasamang pagiingat sa bawat paggalaw.

"Anong nangyari kani-kanina lang? Bakit walang ni isa sa kanila ang namatay?" nakasimangot na tanong ng captain ng Tiger Fang Squad sa mga miyembro nito.

"Captain, talagang sinuwerte lang po ang leader nilang si Gao Feng dahil masyadong naging magalaw ang katawan nito noong nagdidissect siya ng bangkay ng halimaw kaya dumaplis sa kanya ang bala at tumama sa balikat ng isang miyembro ng fire hammer squad. Nakita ko po kung paano sumabog ang balikat ng miyembro nilang iyon pero hindi po ako sigurado kung buhay pa ba siya o hindi," sabi ng mapayat nilang miyembro na si Xiao.

"Masuwerte lang talaga ang Gao Feng na iyon."

Sumimangot naman si Zhang Ze Hu habang tinitingnan ang isa pang sniper, "Ikaw Dong Zi, hindi ba sinabi ko sayo na patayin mo si Luo Feng? Kung gayon ay bakit buhay pa rin ang kutong lupang iyon hanggang ngayon?"

Sa sobrang layo ng kanilang mga target at dahil na rin sa bilis ng mga balang iyon, ang mga taong malinaw na makapagpapaliwanag sa mga nangyari ay ang mga taong gumamit ng sniper rifle dahil sila lang ang mga taong nakasilip sa kani-kanilang mga laser aimer device na kayang makakita sa resulta sa oras na iyon.

"Yung Luo Feng na iyon…" nagdadalawang-isip ang sniper na si 'Dong Zi' at agad niyang sinabi na "Masuwerte rin siya noong oras na iyon dahil nagbabalat siya ng bangkay ng napatay niyang halimaw nang magpaputok ako kaya bigla niya na lang naitaas ang kanyang blade na sumalag sa balang ipinutok ng baril ko," Ito lang ang masasabi ng sniper na si Dong dahil hindi niya naisip na mabilis ang reaction speed ni Luo Feng para masalag ang paparating niyang armor piercing bullet.

Kaya ang tanging naging explanasyon na niya lamang ay suwerte!

Dahil kinakailangan mo ng hindi kapanipaniwalang kontrol sa hawak mong blade kasabay ng napakalinaw na paningin para makasalag ng isang napakabilis na armor piercing bullet.

"Bwiset, may suwerte palang tinatago ang kutong lupang iyon!" Wala nang magawa si Zhang Ze Hu kundi mapamura sa nangyari.

"Pero huwag kang magalala," tawa ng sniper na si 'Dong Zi', "Kasi binaril din namin ng apat na beses ang mga grupo ng halimaw sa paligid malapit sa kanila kaya sigurado akong libo-libong mga halimaw ang humahabol na sa kanila sa mga oras na ito dahil sila lang ang tanging mga tao na makikita ng mga halimaw sa paligid nila, kaya kahit na gaano pang kagaling ang Fire Hammer Squad ay siguradong sigurado akong katapusan na nila!"

"Hindi!"

Napailing ang captain ng Tiger Fang Squad, "Hindi natin masasabi kung ganoon nga dahil puwedeng maghiwahiwalay ang mga miyembro ng Fire Hammer Squad kaya maaaring may makaligtas na isa o dalawang miyembro mula sa grupo nila!" napangiti ang iba pang miyembro ng Tiger Fang Squad noong marinig nila ito, "Siyempre naman ay kayang kaya na ng Tiger Fang Squad na tapusin ang mga natitira nilang miyembro."

"Pero maaari ring makatagpo sila ng isang wargod level fighter na maaaring makapagligtas sa kanila," tawa ng lalaking bulag sa isang mata.

"Sa city na ito, ang tiyansang makatagpo ka ng isang wargod…. O kahit na makumbinsi mo siya para tulungan sila ay mas maliit pa kaysa sa pagtama sa lotto," ngiti ng captain ng Tiger Fang Squad habang tumatawang sinabi na "Ok, tara na guys, dahil hindi pa natin nahuhuli ang matandang iyon, kailangan na natin bilisan."

"Opo!"

At bumalik sa paghabol sa sugatang hunter ang Tiger Fang Squad.

����

Mabilis na umakyat si Luo Feng at ang mga iba pang miyembro ng Fire Hammer Squad sa rooftop ng isang pangkaraniwang six story residential apartment.

"KA!" kinandado nila ang pintuang kumokonekta sa rooftop at sa hagdanan ng apartment na iyon.

"Ihiga mo si Old Zhang dito dali!" sabi ni Chen Gu.

"Kunin mo ang mga gamot!" nagmamadaling sabi ni Gao Feng.

base.

Maaaring ikamatay ni Zhang Ke ang pagkawala ng dugo kung magpapatuloy pa siya sa kanyang pagdurugo. Mabuti na lang ay naagapan na nila ito noong una pa lang. Pero ang isang napakalaking sugat ay kinakailangan ng paunang lunas…. dahil ang 0201 country level city ay may tatlong araw na layo sa military resupplying base.

At dahil sa kritikal na kundisyon ni Zhang Ke ay hindi na nito kakayanin ang tatlong araw ng biyahe pabalik sa military resupply base kahit madaliin pa nila ito.

"Ilagay mo lang sa bibig mo iyan at magpahinga ka muna Old Zhang," kumuha si Chen Gu ng isang tableta at inilagay ito sa bibig ni Zhang Ke.

"Wei Tie, gamutin mo ng maigi ang sugat ni Zhang Ke," utos ni Gao Feng.

At nagpatuloy na ginamot ng Fire Hammer Squad ang namumutlang si Zhang Ke hanggang makakuha na ito ng sapat na lakas na kakailanganin niya. Hindi nagtagal ay napahinga na ng maluwag ang mga miyembro ng Fire Hammer Squad dahil sa patuloy na pagbuti ng lagay ng kasamahan nilang si Zhang Ke.

"Phew," palihim na nakahinga na ng maluwag si Luo Feng habang tinitingnan niya ang namumutla niyang Kuya Zhang kasabay ng konsensyang bumabalot sa kanyang puso habang tinitingnan niya ang wasak nitong balikat, "Hindi na muling magagamit ni Zhang Ke ang kanyang spear kaya ang career niya bilang isang fighter ay tapos na!" Naramdaman ni Luo Feng na may 80 – 90% chance na siya ang dahilan kung bakit ito ginawa ng Tiger Fang Squad.

Lalo siyang nakaradam ng guilt sa kanyang sarili habang patuloy niyang tinitingnan ang kanyang Kuya Zhang.

"Tiger Fang Squad! Zhang Ze Hu!" Nagliyab ang puso ni Luo Feng sa sobrang galit, "Ako, si Luo Feng ay sumusumpa na lalabanan ko kayo ng harap-harapan at ipaparamdam ko sa inyo ang pakiramdam ng matinding pagkawasak!!!"

"Tinangka talaga ng mga basurang miyembro ng Tiger Fang Squad na tapusin ang buong Fire Hammer Squad huh," Ang tanging nagawa na lang din ni Chen Gu ay mapamura habang iniisip ang mga nangyaring ito.

"Tiger Fang Squad! Humanda talaga kayong mga hayop kayo!" sigaw ni Wei Tie.

"Pagsisisihan niyo itong mga hayop na 'to! Dahil ako, Si Gao Feng ang magpapatikim sa inyo ng mga ginawa niyo!" sigaw ni Gao Feng habang mahigpit niyang isinasara ang pareho niyang kamao. Matapos nito ay tumingin siya kay Luo Feng at sinabing "Mabuti na lang at nasa panig natin si Luo Feng kaya nagawa nating….. Oo nga pala Luo Feng, paano mong nagagawang magpagalaw ng mga bagay nang hindi mo hinahawakan?"

At di nagtagal, lahat ng ibang miyembro ng Fire Hammer Squad maging ang sugatang si Zhang Ke na kasalukyang nakahiga sa sahig ay tumingin kay Luo Feng.

次の章へ