webnovel

Biglaang Pagdating

編集者: LiberReverieGroup

Sa gitna ng Scorching Underworld, ang flame poison mist ay masyadong makapal na tila ba mga alon ito na dumadaloy sa mundo.

Sa isang lugar sa gitna ng mapanganib na kalupaan, isang Divine Kingdom ang nakatago.

Ang eksena sa loob ng Divine Kingdom ay naiiba sa labas nito.

Isa itong kalupaan ng masisiglang mga kabundukan at malinaw na tubig, puno ng buhay. Marami ring mga simpleng palace halls ang nakatayo sa malawak na lugar.

Ang mga nakatataas ng Giant God Hall ay nagtipon sa secret hall, nasa ilalim sila ng proteksyon ng isang array.

"Nadiskubre na ng Ancient Soul Hall ang pinagtataguan natin. Maaaring paparating na sila!"

Isang Rank Nine Ancient God ang napabuntong hininga.

"Nagawa pa nila tayong hanapin, kahit nagtatago tayo rito?"

Isang maskuladong hindi gaanong katandaang lalaki na may ulo ng isang toro ang nagsabi nito.

Marami sa mga nakatataas ang nalilito rito.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ