Pagkakitang sumang-ayon si Zhao Feng, nagpakita ng mga nagagalak na ekspresyon ang Golden-Armed Race trio.
Ang azure-robed elder ay hindi isang body cultivator, kaya't wala siyang silbi sa Forest of Death. Kaya naman, sinabihan siya ni Zhao Feng na maghintay na lamang sa sulok.
"Tara na!" Wika ni Zhao Feng.
Matindi ang pagsisikap ng Golden-Armed Race trio upang makaabot sa ganito kalayo. Binuo nila ang plano nila sa unang beses na nakilala nila si Zhao Feng, subalit hindi nila agad-agad na sinabi sa kaniya dahil nais nilang magkaroon sila ng magandang relasyon.
"Ito ang ilang mga Divine power pills na inihanda ng patriarch. Napapataas nito ang kapangyarihan ng isang tao sa isang panibagong level!" Naglabas si Yu Hen ng ilang mga pills mula sa isang bote at iniabot ito kay Zhao Feng.
Kinuha ni Zhao Feng ang mga pills na mayroong bahagyang pag-aalinlangan.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください