webnovel

Pursuit of Death (7)

編集者: LiberReverieGroup

Dumating si Zhao Feng sa Eighteen Corners Pirate Sacred Land makalipas ang ilang oras.

Hindi niya itinago ang kanyang King aura at ang kanyang pakpak ay nakagawa ng unos nang siya ay lumipad.

Lahat ng mga piling tao sa Eighteen Corners Pirate Sacred Land ay nagulat sa aura ni Zhao Feng at ang ilan sa kanila ay nakilala pa siya.

Whoosh!

Ang pakpak ni Zhao Feng ay pumagaspas nang siya ay lumapag sa barko ng Pirate King.

"Ikaw nga Zhao Feng…!"

Ang Pirate King ay isang dagdag kamakailan lamang na may kalbong ulo.

Hindi siya kilala ni Zhao Feng ngunit ang kalbong Hari ay nakilala si Zhao Feng.

Personal niyang nasaksihan ang lakas ni Zhao Feng sa Pirate Emperor's Inheritance Sacred Land at kung paano siyang mag-isang nagdesisyon kung sino ang magiging Emperador.

"Nasaan ang Cold moon Emperor?" Kahit na hindi siya kilala ni Zhao Feng, hindi siya napigilan nito upang itanong ang kinaroroonan ng Cold Moon Emperor.

Naramdaman ng kalbong Hari ang aura na nagmumula kay Zhao Feng sa isang tiyak na direksyon.

Sa ilalim ng gabay ng kalbong Hari, lumipad si Zhao Feng sa isang tiyak na direksyon.

Makalipas ang isang oras, si Zhao Feng ay nagsara sa malalaking kastilyo na gawa sa ilang mga barko.

Ito ay tila isang maliit na isla at iba't ibang mga puno, gusali at tulay ang makikita dito.

Matapos koronahan ng Pirate Emperor, pineke ng mga pirata ang kastilyo na nakapangalan sa Pirate Emperor Imperial Court.

Malinaw na ang pinuno ng Pirate Emperor Imperial Court ay ang Pirate Emperor - ang Cold Moon Emperor.

Ang pagdating ni Zhao Feng ay naging dahilan upang ang Pirate Emperor Imperial Court ay magkaroon ng talakayan.

Hindi lang ang aura ni Zhao Feng ang lumampas sa mga Hari, halos lahat ng mga upper echelon pirates ay kilala siya.

Si Zhao Feng ay agad namang binati ng ilang mga Pirate Kings kasama na ang isang lalaking may gintong buhok at ang isa pang may mahabang balbas.

"Zhao Feng, talagang may oras ka upang pumunta sa Pirate Emperor Imperial Court?" isang maliwanag na boses na ang tunog ay tila makinis na silver-clad female ang lumitaw at siya ay balot sa Imperial Power nang siya ay lumitaw sa harapan ni Zhao feng.

Siya ay may perpektong katawan at may korona sa kanyang ulo.

Sa kanyang likod ay isang espada at patalim.

Ang Cold Moon Emperor ay napalilibutan ng liwanag ng buwan at siya ay ngumiti kay Zhao Feng.

Matapos ang ilang mga pagbati, iminungkahi ni Zhao Feng na sila ay mag-usap nang pribado at ang kanyang kilos ay naging dahilan upang mainggit ang mga pirata nang agad na pumayag ang Cold Moon Emperor.

Higit pa rito, ang seryoso at kalmadong Cold Moon Emperor ay nagsimulang ngumiti nang makita si Zhao Feng.

Whoosh!

Si Zhao Feng ay naging isang guhit ng kidlat at lumipad sa hangin sa ilalim ng bagyo ng Emperor Intent.

"Emperor Intent!"

Ang mga upper echelon pirates sa Pirate Emperor Imperial Court ay humugong; sila ay natigilan.

Sorpresa at paghanga ang nakita sa mga mata ng Cold moon Emperor.

Kailangan niyang aminin na ang pag-usbong ni Zhao Feng ay mas mabilis pa sa inaasahan.

Hindi na nakapagtatakang hindi siya interesado sa trono ng Pirate Emperor.

Maya-maya pa, si Zhao Feng at ang Cold Moon Emperor ay lumulutang na sa isang lugar sa walang hanggang karagatan na natatanaw nang husto ang sikat ng araw at ang lugar na ito ay kayang sumira ng kaluluwa at katawan ng mga normal na Hari.

"Zhao Feng, hindi ka naparito upang bumisita na naman, hindi ba?" Tanong ng Cold Moon Emperor.

Sa kanyang isip, si Zhao Feng ay cultivation-maniac at hindi interesado sa estado.

Walang pag-aalinlangang sinabi ni Zhao Feng kung bakit siya pumunta.

Sa panahon ng prosesong ito, pagkagulat ang lumitaw sa mukha ng Cold Moon Emperor at ang kanyang ekspresyon ay nagbago nang husto.

Hindi lang dahil sa katanyagan ng Emperor of Death, ito ay dahil na rin si Zhao Feng ay kayang makipaglaban sa Emperor of Death nang mano-mano at mabuhay pa rin nang matagal.

"Kung hindi lang dahil sa katotohanang ako ay mabilis tumakbo, mapapatay na agad ako… ngunit ngayon na kami ay mas lumakas, hindi imposible para sa amin na matalo ang Emperor of Death.

Apoy ng battle-intent ang lumitaw sa mga mata ni Zhao Feng.

Ang battle-intent na ito ay naglalaman din ng kanyang poot - ni kailanma'y hindi pa napahiya si Zhoa Feng mula nang siya'y magsanay.

"Zhao Feng , ako ay may utang na loob sa iyo at ibibigay ko ang lahat. Hindi ako siguradong tayo ay mananalo

Kung hindi dahil sa tulong ni Zhao Feng, hindi niya makukuha ang trono ng Pirate Emperor at maging Void God Realm Emperor.

Ang boses ng Cold Moon Emperor ay naglalaman ng alon ng kumpiyansa.

Alam ni Zhao Feng na ang Cold Moon Emperor ang bagong Pirate Emperor, ibig-sabihin siya ay protektado ng Pirate Sacred Land.

Ang korona sa kanyang ulo ay naging dahilan upang siya ay hindi matakot sa kahit na sinong Emperor sa susunod na sampung taon - ang proteksyong ito ay limitado lamang sa Pirate Sacred Island.

Lahat nang ito ay planado ng unang Pirate Emperor sa lupain ng Heaven's Legacy.

Ito ang naging dahilan upang ang trono ay maaaring ipasa sa matagal na panahon.

Mayamaya rin sa araw na iyon, pumasok si Zhao Feng sa isang napakalaki at sirang bangin na katulad ng sa Eight Desolate Mountain.

Ang paligid dito ay napakasama at ang buong lugar ay natatabunan ng bagyo.

Ang ilang mga bangin ay mayroong iba't ibang mga mortal at mga inapo ng mga pirata, ngunit walang sinuman ang naninirahan sa bangin na ito.

Ang dahilan kung bakit niya pinili ang lugar na ito ay dahil sinisigurado niyang walang madadamay na mga inosente.

"Zhao Feng, magpahinga ka na muna ngayon. Kung may kailangan ka, sabihin mo sa akin," nag-iwan ng communication token ang Cold Moon Emperor sa hugis ng isang half-moon.

Tumango lamang si Zhao Feng at pumasok sa liblib na lugar kasama ang batang Demigod.

Matapos mag-away nang ilang beses, parehong tumaas ang kanilang kalinangan at nagkaroon muli ng kanilang mga mapagkukunan sa Void Ocean Spiritual Palace.

Nakakuha ako ng higit sa dalawandaang bahagi ng God Tribulation Lightning ngayon.

Higit sa dalawandaang simbolo ng kidlat ang makikita sa kanyang lilang Soul sea at lahat ay nagpakita ng imortal at hindi namamatay na aura.

Hindi lang pagtaas ng dami ang narito; ang mga simbolong ito ay mas maiiksi kaysa sa dati.

Ang pag-unawa ni Zhao Feng sa Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning ay umabot na sa 50% hanggang 60% at napagsama na niya nang higit sa dalawang beses ang God Tribulation Intent.

Weng~~

Mga patong ng maiinam na kaliskis ang lumitaw sa katawan ni Zhao Feng at mas lumakas ang aura ng Ten Thousand Ancient Races bloodline.

Ang pagtaas sa kalinangan at lakas ng katawan ay kayang gawing mas malakas ang bloodline at pataasin ang potensyal nito.

Maaabot ng mga normal na bloodline ang kanilang hangganan sa ranggo ng Sovereign Lord o ng sa Hari ngunit para sa Ten Thousand Ancient Races bloodline, ang Origin Core Realm ay simula pa lamang.

Kahit ang lebel ng Hari ay itinuturing na estado lamang ng "pagkabata".

Sa mga lumipas na araw, mas lumakas at mas nabubuhay ang Mystic Ice Scaled Race bloodline at God's Spiritual Eye bloodline.

Napagtanto ni Zhao Feng na hindi lang ito dahil sa kanyang kalinangan - bunga rin ito ng pakikibahagi ng Ancient Dream Realm.

Makikita kung gaano ka-epektibo ang mga prutas na ito sa tingin pa lamang at kung gaano ito kanais ng batang Demigod.

Sa pag-iisip hanggang dito, kumain ulit si Zhao Feng ng prutas.

"Labinglima na lamang ang natitira…"

Mas kaunti na ang prutas sa puno at ang lima ay bagong usbong pa lamang at hindi ito mahihinog hangga't umabot pa sa ilang taon.

Sa isang kisap-mata, halos isang buwan ang lumipas at si Zhao Feng at ang batang Demigod ay ginamit ang lahat nga kanilang oras sa paglilinang.

Matapos kumain ng tatlong prutas at paggamit ng mga kayamanan, lumabas na rin ang kalinangan ni Zhao Feng.

"Gitnang yugto ng Voice God Realm!"

Kuminang nang may kasamang grana at ginto ang True Yuan Dimension ni Zhao Feng.

Ang sukat nito ay dumoble kumpara sa mga unang yugto ng Void God Realm.

Ibig-sabihin, ang pundasyon ni Zhao Feng ay mas malakas, dahil dito ay mas kinakaya niya lumaban nang mas matagal sa mga Emperor sa tulong ng kanyang Emperor Intent at Ten Thousand Ancient Races bloodline na nagbigay sa kanya ng mas mabilis na paghihilom.

Ang batang Demigod ay kumain ng limang prutas at ang kanyang lakas ay nanumbalik nang mabilis.

Ang kanyang Golden Kung Sacred Body ay umabot sa mga unang yugto ng ikalimang lebel at halos kaya na niyang hamunin ang mga Emperor sa pisikal na pangangatawan pa lamang.

Kung kalinangan ang pagbabatayan, napakalapit na niya sa gitnang yugto ng Void God Realm.

Ang dalawa ay mas lumakas nang husto.

Isang araw, dinala ng Cold Moon Emperor ang dalawang Peak-tier Kings sa sirang lugar na ito.

Mula nang Pirate Emperor Inheritance, ang lakas ng mga matatandang Pirate Kings ay tumaas nang husto.

Ang dalawang Peak-tier Kings ay ang Giant Shark King at Ghost Scaled King.

Bilang isa sa tatlong major figurehead pirates sa nakaraan, ang bloodline ng Giant Shark King at pisikal na katawan at lubhang malakas at ito ay nakatulong sa pakikipaglaban kay Emperor Mu Yun.

Matapos ang Pirate Emperor Inheritance, siya ay mas lumakas.

Ang Ghost Scaled King ay Domain-level King na nakaligtas laban kay Emperor Mu Yun.

Hindi lang high-class fish bloodline ang mayroon siya, mayroon din siyang Ghost Spiritual Body.

"Zhao Feng, ang Giant Shark King at ang Ghost Scaled King ay parehong nais tumulong sa pakikipagtuos mo sa Emperor of Death," sinabi ng Cold Moon Emperor at ngumiti.

Nakikita ni Zhao Feng na ang dalawang Peak-tier Kings ay malakas ang kumpiyansa sa sarili.

Ang lakas na ito ay mas mataas sa kaparehong kalinangan at kung sila ay magtutulung-tulong, kaya nilang labanan ang mga normal na Emperor lalo pa at ang kanilang mga bloodlines ay katangi-tangi.

"Zhao Feng, hindi ko naisip na tayo magtutulungan pagdating ng isang araw," tumawa ang Giant Shark King.

Alam ng parehong Peak-tier Kings ang kahindik-hindik na potensyal at pag-usbong ng Mystic Ice Scaled Race bloodline ni Zhao Feng.

Higit pa rito, nilabanan na noon ni Zhao Feng ang Emperor of Death at kinaya pa ring makatakas.

Naniniwala silang kaya nilang harangan ang Emperor of Death sa pinagsama nilang lakas.

Dagdag pa rito, teritoryo nila ang Pirate Sacred Land.

Kahit na hindi nila kayang talunin ang Emperor of Death, makukuha naman nila ang pasasalamat at magandang relasyon kay Zhao Feng.

Mula sa araw na ito at sa mga susunod pa, nanirahan na dito ang Cold Moon Emperor at ang dalawang Peak-tier Kings.

Tahimik ang paglinang ni Zhao Feng at ng batang Demigod at ang kanilang aura ay naging dahilang upang pumalatak ang dila ng dalawang Hari.

Makalipas ang tatlong araw, sa tulong ng tuloy-tuloy na pagkukunan, ang batang Demigod ay gumaling sa gitnang yugto ng Void God Realm at ang kanyang Sacred Body ay masikap na nagpamalas ng nakadudurog na pwersa.

Ang Cold Moon Emperor, si Zhao Feng, ang batang Demigod at dalawang Peak-tier Kings - kabuuan ng limang eksperto ang nagsama-sama at pakiramdam ni Zhao Feng ay malapit nang dumating ang Emperor of Death.

Sa puntong iyon din, lumitaw ang isang palihim na middle-aged na lalaki at may suot na korona.

Shua!

Isang lotus ang lumitaw sa kamay ng Emperor of Death at agad na lumaki.

Sa lotus ay may isang white-eyed na batang babae.

"Nasa Pirate Sacred Island si Zhao Feng… Ang laban na ito ang makapagpapabago sa kapalaran," dahan-dahang itinaas ng white-eyed na batang babae ang kanyang kamay.

Weng~~

Isang imahe ang lumitaw sa hangin at nagpakita ng isang laban.

Ang tao sa pinaka-gitna ay ang Emperor of Death na inaatake ng ilang mga tao sa iba't ibang direksyon.

Hindi kapani-paniwala, patuloy na nagbabago ang mga imahe.

Halatang lalong nabuksan ang Eye Destiny ng batang babae sa mga nakaraang taon.

Ang huling imahe ay ipinakitang magkaharap ang Emperor of Death at si Zhao Feng at pareho sa kanila ay may malabo ngunit kahindik-hindik na imahe sa kanilang mga likuran.

"Paano iyon naging posible…?" Ang mga taong ito ay pinilit akong gamitin ang Shadow of the Death God?" Hindi napigilang humugong ng Emperor of Death.

次の章へ