Inutusan ni Zhao Feng ang batang Demigod na kainin ang laman ng ahas, bilang siya ang dagang tagasiyasat niya. Gayon pa man, ang laman ng ahas ay mula sa Ancient Dream Realm na naglalaman ng source of Heaven Earth aura na maaaring makapagpalakas ng katawan ng isang tao.
Naghiwa si Zhao Feng ng piraso para sa sarili niya at saka nilasahan ito. Ang laman ng ahas ay mayroong malakas na epekto kaysa sa heart blood essence ng isang balyena, at ang Ancient Dream Realm aura na nasa loob nito ay makapal din.
"Nakakuha na ng napakaraming Ancient Dream Realm aura, at nagamit ko na ang heart blood essence, purple scaled grass, ang dugo ng Demigod, at iba pa. Ang laman ng ahas ay walang masiyadong epekto sa akin," Pinaikot niya ang kaniyang True Yuan upang matunaw niya ang essence na nasa loob ng laman ng ahas.
Kahit na mataas ang halaga ng laman ng ahas, mayroon pa rin itong kahinaan.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください