Ang paglitaw ni Yu Tianhao ay pumukaw ng atensyon ng buong Sacred True Dragon Gathering.
Nakapasok siya sa pinakasinauna at pinakamisteryosong Heavens Legacy Inheritance.
Dagdag pa rito, si Yu Tianhao ay isang prodigy na nakatalo sa dalawang sunod-sunod na Sacred True Dragon Gatherings Walang makakapaggalaw sa kaniyang posisyon at ilan lamang gaya ni Zhao Feng ang mayroong abilidad na labanan siya.
"Ang Heaven's Legacy Inheritance na ito ay tiyak na karapat-dapat sa pangalan nito. Sa loob lamang ng maikling dalawang buwan nakatungtong na si Yu Tianhao sa early stage True Lord Rank mula sa pagiging peak True Mystic Rank."
"Hindi masusukat ang lakas ni Yu Tianhao at malamang siya ay mas malakas pa kaysa sa mga True Lord Ranks ng nakatatandang henerasyon."
Nakaramdam ng matinding pagbabago ang mga nakakatandang henerasyon sa aura ni Yu Tianhao.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください