"Brother Yu Luo!"
Napasigaw ang dalawang babae mula sa Pure Moon Spiritual Sect dahil sa eksenang nakita nila.
Ang mga henyo mula sa Black Cliff Palace at Demon Place ay humingang malalim dahil sa pagkalito at pagkabigla.
"Paano nakalapit si Yu Luo sa lupa?"
"Marahil siya'y punong-puno ng kasakiman, nawala sa sarili at aksidenteng nakapasok sa hanay ng mga ugat."
"Zhe Zhe, ang True Lord Rank ay isa lamang pekeng imahe, Ang balabal ng batang iyan ay isang magandang bagay."
Halatang nagsasaya ang mga mula sa dalawang sects. Ang Pure Moon Spiritual Sect's ay napakalakas kahit na magtambal ang Black Cliff Palace at Moon Demon Palace.
Ngayon na ang Pure Moon Palace ay nawalan ng True Lord Rank. Ang kanilang lakas ay bumaba at ito ay naging mas balanse.
Hindi matanggap ng mga henyo mula sa Pure Moon Spiritual Sect ang pagkamatay ni Yu Luo, ngunit ito ay nangyari na at hindi na mababago pa.
"Saan nagtungo si Zhao Feng?"
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください