Mayroon pang dalawang araw na natitira bago ang kanilang pag-alis.
Ang apat na mga henyong kumakatawan sa Iron Blood Religion ay nagawa na ang kanilang mga paghahanda.
Si Jiang Sanfeng at ang iba pa ay nagpunta upang manghingi ng payo mula kay Zhao Feng.
Nakaraang ilang araw, si Jiang Sanfeng, Die Ye at Dong Xue ay nakipaglaban sa isa't-isa subalit wala silang pagkakataon na makipaglaban sa mga henyong nasa tuktok ng Northern Continent.
"Sige."
Tumango si Zhao Feng at sinuri ang tatlo.
Hindi naman masiyadong nagbago ang cultivation ng tatlp. Matapos makaabot sa True Spirit Realm, mahirap na ang magprogreso sa cultivation at maaaring mas ilang beses pa itong mahirap kaysa noon.
Kung ang pagkakaiba lang sa cultivation ay isang rank gaya ng True Human Rank at True Mystic Rank para sa mga iisang edad, ang bilis ng kanilang cultivation ay magiging iba ng ilang beses.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください