Ang mga nanonod ay hindi nahirapang makitang sinisira ni Zhao Feng ang lakas ng loob ni Cang Yuyue.
Sa ilalim ng lockdown ng God's Spiritual Eye, ang bawat salita ni Zhao Feng ay naglalaman ng mental energy na nakakarating sa isip ng kaniyang kalaban.
Kasabay nito, ang kaniyang sariling lakas ng loob at pagnanasang lumaban ay patuloy na tumataas. Ang mga simpleng salita ay naglalaman ng ganap na paniniwala.
Ang hindi masukat na lakas ni Zhao Feng ay naikintal sa isip ni Cang Yuyue.
Kasabay nito, ang kapangyarihan ng kaniyang seed of sword content ay limitado.
Ito ang pakay ni Zhao Feng.
Kahit sinong cultivator ng espada ay may malakas na paniniwala sa Dao of the Sword. Kung wala nito, hindi nila maipapalaganap ang seed of sword intent.
Sa puso ni Cang Yuyue, walang makakapigil sa kaniyang isang espada.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください