Pagkatapos ng laban, hindi halos makakilos si Zhao Feng. Ang kanyang mga kalamnan ay sumasakit at ang kanyang true force ay ubos na.
"Maraming true force ang nagamit ko sa opensa kaysa depensa. Dagdag pa roon, ang cultivation ni Bei Moi ay umabot na sa 4th Sky, kung kaya ang true force niya ay higit na nalipon kaysa sa akin." Taimtim ang mukha ni Zhao Feng.
Ito na yata ang pinakamatinding laban na pinasukan niya simula nang mapadpad siya sa Broken Moon Clan. Walang kahit sino ang kinalaban niya na nauwi sa 'draw' o pantay na resulta, walang panalo, walang talo.
"Tunay ngang si Bei Moi ang henyo ng Broken Moon Clan." Napabuntong hininga si Zhao Feng.
Kung nagpatuloy pa sa kanila, aaminin niya na ang kanyang pagkatalo dahil sa naubos niyang true force.
Syempre!
Mula sa simula hanggang ngayon, hindi gumamit si Zhao Feng ng kahit anong bloodline power at kakarampot lamang na lightning inheritance.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください