webnovel

Napalipad sa Isang Sipa

編集者: LiberReverieGroup

Sa isang itim at gintong kalsada, handang makipaglaban si Zhao Feng sa isang Core Disciple na si Lu Hu.

"Nangangahas ka bang kalabanin ako?" Malamig na sabi ni Zhao Feng habang nililipad ng hangin ang kanyang asul na buhok.

Sa kabilang tabi, nagbago rin ang ekspresyon ni Ran Xiaoyuan nang bahagya at saka tumabi kay Zhao Feng.

Hindi makapagsalita si Sun Yuanhao pero nagsisimula na siyang kabahan.

Biglang naging mabigat ang tensyon sa paligid.

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Lu Hu at naalala niyang si Zhao Feng ay disipulo ng 1st Elder. Dagdag pa roon, kakampi rin ni Zhao Feng si Ran Xiaoyuan.

Si Ran Xiaoyuan ay isang disipulo ng Clan Master at kasing lakas niya rin si Bei Moi.

Isang ngiti ang makikita sa mukha ni Zhao Feng nang malaman niyang gustong makihati ni Lu Hu sa kanyang mga nakuhang pabuya pero wala itong lakas ng loob para umatake.

"Kapatid na Zhao, tutulungan kita."

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ