Ito ang unang beses na may ganitong sitwasyon na lumitaw sa dimensyon sa loob ng kaliwang mata ni Zhao Feng. Ang 9 foot 9 na liwanang ng ilaw ay hindi na mas lumawag pa. Sa halip, ito ay nagsanib at nabuo.
"Sii!"
Dumaing si Zhao Feng dahil sa sakit at mahigpit ang hawak niya sa kaniyang kaliwang mata nang nahulog siya sa sahig nang may tunog na 'plop.'
Ang kirot mula sa kaniyang kaliwang mata ay dumiretso sa kaniyang kaluluwa.
Makalipas lamang ang ilang oras, nababalutan na si Zhao Feng ng malamig na pawis.
Pagtapos lamang ng kalahating oras nagsimulang mawala ang sakit.
Sinanib ni Zhao Feng ang kaniyang kamalayan sa dimensyon sa loob ng kaniyang kaliwang mata at natagpuan niya ang isang bungkos ng purong asul na liwanag. Ang asul ay hindi na matamlay ngayon, at ito ay nakakatawag-pansin.
Ang asul na bungkol ng liwanag ay nagpatuloy sa pagpihit at tila ba ito ay may pinapalakas na bagay.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください