"Mengxiang, huwag kang bastos! Kasalanan mo kung bakit ka natalo!" Mahigpit na saad ni Yun Yao.
Sa sandaling lumabas ang mga salitang ito sa kanyang bibig, napagtanto ni Yun Mengxiang ang kanyang 'prinsesang' problema ay lumitaw muli. Ang kanyang pagkatao bilang Prinsesa ay hindi gano'n ka epektibo sa Clan ang kanyang ama at tiya ay ilang beses siyang binalaan na huwag galitin ang mga malakas na cultivators sa kanyang ugali.
Si Zhao Feng ay isang disipulo na pinag aagawan ng mga matandang sina Guan at Zhang at hindi magandang galitin ang mga taong may ganoong potensyal at estado. Ngunit marahil naging pamilyar siya kay Zhao Feng nitong mga nakaraang araw at nakalimutan niya ang bagay na ito.
"Ayos lamang, ito ang ugali mo." Tumawa si Zhao Feg ngunit labag ito sa kanyang puso.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください