webnovel

Marrow Cleansing Pill

編集者: LiberReverieGroup

Sa isang gusali ilang daang hakbang na layo.

"Bwisit! Paanong ang isang disciple ni Lord Guanjun ay makabuo ng kaniyang pamumuno!?"

Hinampas ni Quan Chen ang kaniyang kamay sa lamesa, na nagdulot upang yumanig ang gusali at halos gumuho.

Kasunod niya ay ang nakaupo na si Hou Yuan, ranked sa 4th. Nakita ng dalawa ang buong laban. Sa una, panonoorin lamang nila ang 'palabas' na ito, ngunit ang resulta ay lubhang hindi inaasahan.

Isang bata na kapapasok pa lamang ng Clan ay tinalo si Ji Fengyun, na siyang ranked 13th at siya ay nagtagumpay sa pagiging tanging disciple na nasa ilalim ng 9th rank na maipuwesto sa top 20.

"Ang batang iyon ay mas malakas pa kaysa sa iniisip ko, ngunit hindi niya kakayaning magtagal ng kahit sampung galaw laban sa akin." Binigyan ni Hou Yuan si Zhao Feng ng malamig na tingin.

Hindi naghihinala si Quan Chen sa kaniyang mga salita. Silang mga ranked 11th-20th ay 'normal' pa rin, ngunit pagtapos makapasok sa top 10, hindi na sila 'normal'. Ang mga high ranked outer disciples ay mayroong abilidad upang hamunin silang mga nasa Ascended Realm.

Halimbawa, si Hou Yuan ay hinamon ang isang cultivator na nasa First Skies ng Ascended Realm.

Maliwanag na, ang halimaw na ranked bilang 1st sa outer disciples ay nakatalo ng isang cultivator ng Ascended Realm, kahit pa man siya ay tanging nasa half-step-Ascended Realm lamang.

Shua!

Isang anyo ang biglang nagpakita sa likuran ng dalawa.

"Vice Deacon Wang!"

Tumayo at yumukod sina Hou Yuan at Quan Chen.

Ang mga nasa Deacons ay mayroong cultivation hangga't maaari ay nasa 4th o 6th skies ng Ascended Realm.

Malamang, ang Deacon na gaya ni Lord Guanjun na siyang namamahala sa mga usapin sa mortal na mundo ay hindi malakas, ang isang tao ay kailangan lamang mapunta sa Ascended Realm upang maging isa sa kanila.

"Ang Zhao Feng na ito ay lubhang hindi inaasahan."

Si Vice Deacon Wang ay bahagyang nasurpresa dahil isang ngiti ang lumitaw sa kaniyang mukha. Hindi pa siya nakakita ng isang tao na mayroong ganitong battle strength sa matagal na panahon.

"Vice Deacon Wang, kailangan mong malaman na siya ay isang disciple ni Lord Guanjun, kaya bakit mo siya binigyan ng isang tungkulin…" Ang boses ni Quan Chen ay bahagyang naninisi.

Ang Vice Deacon na ito ay mayroong magandang relasyon kay Hai Yun Master, ngunit dahil si Hai Yun Master ay nagsimulang tumaas ng posisyon, ang kanilang relasyon ay bahagyang naging malayo na.

"Si Zhao Feng ay mayroon lamang isang Low Tier Spiritual Body, kaya naman kahit gaano pa kalakas ang battle conscience niya, ang kaniyang hinaharap ay mayroong hangganan. Kaya ka nga ba niyang balaan, ikaw na isang inner disciple? Kaya niya bang pagbantaan ang isang elder? Hindi magandang usapin na mambastos ng dalawang Vice Heads sa isang pagkakataon! Kahit ang iyong guro, pag-iisipin din ito ni Hai Yun Master…" Mariing sinabi ni Vice Deacon Wang.

"Two Vice Heads? Ibig mong sabihin…?" Bahagyang nagbago ang boses ni Quan Chen.

Halatang alam niya na totoo ang sinabi ni Vice Deacon Wang. Ang battle conscience ni Zhao Feng ay maaaring malakas, ngunit ang kaniyang hinaharap ay may hangganan.

Ito ay parang si Lord Guanjun nang siya ay bata pa. Lumaban siya kay Hai Yun Master noon, ngunit kahit gaano pa kalakas si Lord Guanjun noon, nasa baba lamang siya ng Clan.

Walang itinago si Vice Deacon Wang at sinabi niya kung paano pinagtalunan ng dalawang Vice Heads si Zhao Feng.

"Parehas sina Vice Head Guan at Vice Head Zhang… gusto si Zhao Feng????" Nalaglag ang panga ni Quan Chen at bigla niyang naramdaman na siya ay walang magawa.

Bilang isang inner disciple, alam niya kung gaano kalaki ang awtoridad na mayroon ang dalawang Vice Heads na ito.

Ang dalawang ito ay isa sa mga pinakamagagaling na array master at pill master at sila ay nag-ambag ng malaki sa Clan. Kung ang pag-uusapan ay kapangyarihan at awtoridad, ang dalawang ito ay nasa baba lamang ng Elders, ngunit kapag ang dalawa ay pinagsama. Kahit ang mga Elders ay kailangang mag-isip mabuti.

Ang pinakaimportanteng punto ay ito. Hindi sila sinabihan ni Hai Yun Master na pigilin ang mga disciples ni Lord Guanjun.

Bilang isang Elder ng Clan, si Hai Yun Master ay nasa True Spirit Realm at hindi niya sasadyaing pigilin ang ilang disciples na mayroong hindi naman masiyadong magaling na talento. Para naman sa mga aksyon ni Quan Chen, ang tanging ginawa lamang niya ay sumang-ayon patago.

Kapag walang suporta ng Elder, si Quan Chen ay halatang hindi makakalaban sa dalawang Vice Heads, ngunit hindi ito ang magiging katapusan. Siguro ay hindi niya magagawan ng paraan ito ng harap-harapan, ngunit madali pa rin para sa kaniya ang tumiris ng ilang mga langgam gamit ang pangdaraya.

....

Pagtapos ng laban, naglabas ng mahabang paghinga si Zhao Feng at lumapag kasunod ng kaniyang dalawang brothers.

"Pagbati sa'yo Brother Zhao Feng! Nagawa mong inggitin ako sa pagiging isang substitute inner disciple."

Si Princess Yun Mengxiang ang unang magpunta at bumati. Sa iisang oras, hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili kundi suriin muli ang batang nasa harap niya.

"Brother Zhao Feng, huminga tayong lahat!"

"Ang laban ay masiyadong nakakapanabik! Si Brother Zhao Feng ay nakagawa ng isang milagro!"

Ang ibang bagong nakapasok na disciples ay nagpunta upang puriin din si Zhao Feng. Ang Broken Moon Clan ay kumuha ng kabuuan na 22 disciples at tatanggalin sa bilang si Sun Yuanhao na siyang nakuha, mayroong 21 na naging outer disciples at sa 21, si Zhao Feng ang unang naging isang substitute inner disciple.

Halata naman, mayroong ibang punong-puno ng pagkamuhi.

"Ano naman kung siya ay isang substitute inner disciple? Hindi pa nga siya nakakaabot sa 9th rank ng Consolidated Realm. Hindi magtatagal bago natin siya malagpasan. Mayroon lamang siyang isang Low Tier Spiritual Body."

Si Xiao Sun, na mayroong pinakamataas na cultivation sa lahat ng kakapasok pa lamang na disciples, ay nakabalik na mula sa pagkagulat. Sa totoo lamang, kahit pa ay natulala siya sa pagpapakitang gilas ni Zhao Feng at kailangan niya pa ring aminin na nabuo ni Zhao Feng ang kaniyang pangingibabaw. Ito ay halos tiyak na na walang masiyadong taong mambabastos sa kaniya mula ngayon.

"Hmph! Nagtagumpay na naman siya!" Malamig na sambit ni Liu Yue'er, ngunit mayroong katiting na galak sa kaniyang puso.

Mula sa paningin ng mga bagong disciples, nanalo si Zhao Feng kahit siya ay mas mahina at naglabas siya ng paghinga para sa kanilang lahat.

Sa oras lamang na nag-alisan na ang mga tao nagsimulang batiin ni Zhao Feng sina Nan Gongfan at Yang Qingshan.

Sina Nan Gongfan at Yang Qingshan ay parehas may kakaibang tingin sa batang nasa harap nila. Bukod sa konsensiya, mayroon ding pasasalamat sa kanilang mga puso.

"Dahil natalo si Ji Fengyun, mukhang hindi na siya makakahanap ng gulo para kay Brother Yang ngayon." Ngumiti si Zhao Feng kay Yang Qingshan.

Pagtapos maging isang substitute inner disciple, lumabas si Zhao Feng mula sa tirahan ng mga normal disciples. Sa lahat ng outer disciples, ang substitute inner disciples ang nakakatanggap ng pinakamagandang pagtrato at sila ay mayroong sari-sariling bakuran. Dagdag pa rito, ang mga resources na natatanggap nila mula sa Clan ay mas tumaas pa.

Pagtapos ayusin ang kaniyang gamit, bumalik si Zhao Feng sa Grass-Wood Division. Ngunit ang matandang lalaking si Guan ay gumagawa ng isa pang batch ng pills ngayon at nagsabi siya sa isang tao na sabihin kay Zhao Feng kung ano ang nais niyang sabihin.

"Binibigyan ka ng libreng araw ni Vice Head Guan." Sabi ng mensahero.

Libreng araw?

Bahagyang nagulat si Zhao Feng. Ngunit sa pag-iisip tungkol dito siguro ay naisip ng matandang lalaking si Guan na natalo siya at kaya siya ay binibigyan ng oras upang magpahinga at magpagaling.

"Sinabihan niya rin ako na bigyan ka ng ilang bagay." Nag-abot ang mensahero ng ilang mga items.

"Blood Healing Pill… Bone Regenerating Pill?"

Kakaiba ang ekspresyon ni Zhao Feng. Mula sa mga pills na ito, makikita kung gaano katindi ang pag-isip ng matandang si Guan na siya ay natalo.

Ang Blood Healing Pill at ang Bone Regenerating Pill ay parehas na mga mamahaling items na hindi itinitinda sa mortal na mundo.

Ang Blood Healing Pill ay nagpapagaling sa mga pinsala sa loob ng katawan. Habang hindi matindi ang pinsala ng isang tao, mabilis lang silang gagaling. Ang Bone Regenerating Pill ay maaaring magdugtong muli ng ilang nabaling buto at pabilisin ang ang pagpapagaling.

"Mayroon pang isang Marrow Cleansing Pill." Inilabas ng mensahero ang isang pill nang may pagseselos.

Marrow Cleansing Pill?

Lumaktaw ng isang tibok ang puso ni Zhao Feng.

Narinig na niya ang epekto ng pill na ito. Ang Marrow Cleansing Pills ay maaaring makapagpabago ng attributes ng isang tao. Narinig din ni Zhao Feng na ang Marrow Cleansing Pill na ito ay nakakapagpataas ng tsansa upang makapunta sa Ascended Realm mula sa 9th rank sa isang tiyak na antas.

Pagtapos kuhanin ang pill na ito, bahagyang nanabik si Zhao Feng. Binigyan siya ng matandang lalaking si Guan ng ganito kahalagang pill. Kung ang mga disciples na nasa half-step Ascended Realm ay kumain ng isang Marrow Cleansing Pill, sila ay mayroong 10-20% na pagkakataon upang makapunta sa Ascended Realm.

Sa mismong araw na iyon, bumalik si Zhao Feng sa kaniyang sarili bakuran at dali-dali niyang nilunok ang Marrow Cleansing Pill.

Ang enerhiya ng Marrow Cleansing Pill ay kalmado at ito ay dahan-dahang natunaw sa kaniyang mga laman-loob...

Ang buong proseso ay parang pagpapakulo ng tubig, mabagal at tiyak.

Malamang, ito ay dahil ang kaniyang Silver Wall Technique ay nakaabot na sa peak 8th level. Nagawa nitong palakasin pa lalo ang kaniyang katawan bukod sa iba, nagdulot upang mapaglabanan pa nito ang mas marami pang enerhiya.

Ang Marrow Cleansing Pill ay hindi kalmado sa mga normal na tao.

Ipinadaloy ni Zhao Feng parehas ang Returning Breath Technique at Silver Wall Technique ng isahan upang masipsip ang medisina. Isang mainit na pakiramdam ang kumalat sa kaniyang katawan. Naramdaman ni Zhao Feng na ang kaniyang mga attributes ay nababago at napapalakas ng Marrow Cleansing Pill.

Nagtuon siya ng pansin at naramadaman ang pagtibok sa loob ng kaniyang kaliwang mata.

Peng! Peng! Peng… !

Ang pagtibok mula sa kaniyang kaliwang mata ay mas lalo pang naging halata at nagpadala ito ng mainit na pakiramdam sa buo niyang katawan at ito ay sumanib sa enerhiya mula sa Marrow Cleansing Pill.

"Mukhang ang misteryosong kaliwang mata ay mayroon ding abilidad upang palakasin ang aking mga attributes."

Ang hula ni Zhao Feng ay mas lalo pang napatunayan.

Sa una, ang kaniyang pag-intindi ay normal lamang. Ngunit pagtapos ang pagsanib ng kaniyang kaliwang mata, ang lahat ay nagsimula nang magbago dahan-dahan. Ang unang normal na katawan ay nagsimula na ring magbago.

Kung ang matang ito ay nagmula sa isang Ancient God, paanong papayagan nito ang nagmamay-ari sa kaniya na magkaroon ng isang normal na katawan?

Siyempre, bago ba ito makabalik sa peak nito, palalakasin muna nito ang talento ng nagmamay-ari sa kaniya hanggang sa ang kaniyang amo ay kaya ng pamunuan ang mundo.

Peng! Peng…

Naramdaman ni Zhao Feng na ang pakiramdam mula sa kaniyang kaliwang mata ay mas lalo pang lumakas kumpara noon at ang bilis ng pagsipsip sa enerhiya ng Marrow Cleansing Pill ay labis pang tumaas.

Makalipas ang kalahating oras, isang patong ng mabaho, itim, at malagkit na tubig ang lumitaw sa katawan ni Zhao Feng.

Sa loob ng dimesyon sa kaliwang mata ni Zhao Feng, isang kinang ng liwanag ang umabot sa walo't apat na talampakan.

Naramdaman ni Zhao Feng na ang kaniyang mental energy ay tumaas at ang kaniyang katawan ay nagdaan sa matinding pagbabago. Sa pagkakataong ito, sangkapat lamang ng enerhiya mula sa Marrow Cleansing Pill ang nahigop.

次の章へ